Pagkakadiskubre ng Chinese army uniform sa POGO hub sa Pampanga, hindi dapat balewalain – Senate President Pro Tempore Estrada

Totoo man o hindi, binigyang diin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hindi dapat balewalain ng pamahalaan ang pagkakatuklas ng uniporme ng People’s Liberation Army (PLA) sa sinalakay na POGO hub sa Pampanga. Ayon kay Estrada, na siya ring chairman ng Senate Committee on National Defense, mas dapat alamin kung saan ito ginagamit… Continue reading Pagkakadiskubre ng Chinese army uniform sa POGO hub sa Pampanga, hindi dapat balewalain – Senate President Pro Tempore Estrada

House tax Chief, kinilala ang pagsisikap ng PAGCOR para makasingil ng buwis mula sa mga POGO

House tax Chief, kinilala ang pagsisikap ng PAGCOR para makasingil ng buwis mula sa mga POGO Kinilala ngayon ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang pagsisikap ng PAGCOR sa ilalim ng Marcos Jr. administration na makakolekta ng buwis mula sa mga offshore gaming licensees (OGLs) o POGOs. Aniya, binago ng liderato ng… Continue reading House tax Chief, kinilala ang pagsisikap ng PAGCOR para makasingil ng buwis mula sa mga POGO

Hinihinalang Chinese Army uniform sa na-raid na POGO hub sa Pampanga, nagpapatunay na national security threat ang mga POGO – Sen. Gatchalian

Binigyang diin ni Senador Sherwin Gatchalian na ang natuklasang hinihinalang Chinese military uniforms sa ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga ay malinaw na ebidensyang banta sa seguridad ng Pilipinas ang mga POGO. Muling iginiit ni Gatchalian na binuksan ng mga POGO ang pinto, hindi lang para makapasok ang mga kriminal na sindikato sa bansa… Continue reading Hinihinalang Chinese Army uniform sa na-raid na POGO hub sa Pampanga, nagpapatunay na national security threat ang mga POGO – Sen. Gatchalian

Jeepney driver na nagpahiya sa pasahero, kinastigo ng LTFRB

Naglabas ng ‘show cause order’ ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa jeepney driver na nagpahiya sa kaniyang pasahero. Inutusan ng LTFRB ang driver at ang kanyang operator na humarap sa isang pagdinig sa Biyernes, Hunyo 14. Ang show cause order ay dahil sa pinamalas na kawalan ng respeto ng driver, kabiguang… Continue reading Jeepney driver na nagpahiya sa pasahero, kinastigo ng LTFRB

Sen. Revilla, nanawagan sa mga awtoridad na mabilis na imbestigahan ang pagkakadiskubre ng Chinese army uniform sa POGO hub sa Pampanga

Umapela si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., sa mga awtoridad na gawing mabilis ang imbestigasyon at pag-aksyon kaugnay ng natuklasang pinaghihinalaang uniporme ng Chinese army o People’s Liberation Army (PLA) sa na-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga. Ayon kay Revilla, hindi maiiwasang makaramdam ng pagkaalarma sa natuklasang ito. Kaya naman sinabi ng senador na… Continue reading Sen. Revilla, nanawagan sa mga awtoridad na mabilis na imbestigahan ang pagkakadiskubre ng Chinese army uniform sa POGO hub sa Pampanga

3 sa 4 na pulis na sangkot sa pagdukot sa 3 dayuhan, may kinaharap nang kaso ayon sa NCRPO

May kinahaharap nang ibang kaso ang 3 sa 4 na pulis na sangkot sa pagdukot sa 3 Chinese at 1 Malaysian national sa Pasay City noong Hunyo 2. Ito ang kinumpirma sa Radyo Pilipinas ni National Capital Region Police Office Director, PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr., matapos ang ginawa nilang backtracking laban sa 3 suspek… Continue reading 3 sa 4 na pulis na sangkot sa pagdukot sa 3 dayuhan, may kinaharap nang kaso ayon sa NCRPO

Phase 3 ng Maritime Safety Capability Improvement Project (MSCIP), gumugulong na ayon sa DOTr

Kumpiyansa ang Department of Transportation (DOTr) na lalo pang lalakas ang kakayahan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa sandaling dumating na ang 5 bagong barko nito. Ito ang inihayag ni Transportation Sec. Jaime Bautista makaraang saksihan nito ang paglalagda sa loan agreement sa pagitan ng Department of Finance (DoF) at ng Japanese Government sa pamamagitan… Continue reading Phase 3 ng Maritime Safety Capability Improvement Project (MSCIP), gumugulong na ayon sa DOTr

Sen. Poe, nanawagang tuluyan nang i-ban ang mga POGO sa bansa

Masyado nang nagiging kakila-kilabot at magastos para sa mga Pilipino ang laki at lawak ng mga POGO sa bansa ayon kay Senadora Grace Poe. Pinunto ni Poe na ayon sa mga awtoridad, sa laki at lawak ng na-raid na POGO sa Porac, Pampanga ay kakailanganing higit isang linggo para ma-inspeksyon ang naturang pasilidad. Ipinaliwanag ng… Continue reading Sen. Poe, nanawagang tuluyan nang i-ban ang mga POGO sa bansa

Dating MSU Chancellor, sinentensiyahan makulong dahil sa kasong katiwalian – SANDIGANBAYAN

Hinatulan ng Sandiganbayan na mabilanggo ang dating Chancellor ng Mindanao State University -Buug Campus, sa Buug, Zamboanga Sibugay. Anim na taon at karagdagang isa hanggang tatlong taon pa ang hatol na pagkakulong kay dating Chancellor Taha Guro Sarip dahil sa kasong graft at malversation of funds. Bukod dito, hindi na rin siya maaaring humawak ng… Continue reading Dating MSU Chancellor, sinentensiyahan makulong dahil sa kasong katiwalian – SANDIGANBAYAN

DA Chief, humirit ng tulong sa Japan ambassador para palakasin ang export ng agri-products

Humingi ng tulong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa bagong envoy ng Japan sa Pilipinas, na si Ambassador Endo Kazuya. Hiniling ng kalihim sa Japanese ambassador na dagdagan ang pag-export ng mga produktong pang-agrikultura sa Asian power house. Kamakailan ay nag-courtesy call ang bagong sugo ng Japan kay Tiu Laurel upang talakayin ang… Continue reading DA Chief, humirit ng tulong sa Japan ambassador para palakasin ang export ng agri-products