Mga crew ng fishing boat na nasunog sa Masbate, pinagkalooban na ng tulong ng DSWD

Nagpaabot na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development-Bicol Region sa 12 crew members ng nasunog na fishing boat sa Masbate noong Hunyo 5. Tiniyak ng DSWD ang kanilang patuloy na koordinasyon sa concerned local government units para sa probisyon ng tulong. Batay sa ulat ng Bicol Regional Office, naglalayag sa karagatan ng… Continue reading Mga crew ng fishing boat na nasunog sa Masbate, pinagkalooban na ng tulong ng DSWD

SP Chiz Escudero at Sen. Jinggoy Estrada, nanawagan sa publiko na isabuhay ang diwa ng Araw na Kalayaan

Umaasa si Senate President Chiz Escudero na magsisilbing inspirasyon ang diwa ng pinagdiriwang natin ngayong Araw ng Kalayaan para patuloy na magsumikap ang mga Pilipino tungo sa isang magandang bukas. Sa kanyang Independence Day message, sinabi ni Escudero na ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng mga sakripisyo at katapangan ng mga bayani ng… Continue reading SP Chiz Escudero at Sen. Jinggoy Estrada, nanawagan sa publiko na isabuhay ang diwa ng Araw na Kalayaan

Speaker Romualdez at SP Escudero, nakatakdang pag-usapan ang legislative priorities ng Kongreso

Kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez ang nakatakda nilang pulong ng bagong luklok na Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero sa darating na Huwebes, June 13. Sa isang ambush interview kasabay ng paggunita sa Independence Day sa Barasoain Church sa Bulacan, sinabi ni Romualdez na mahalaga ang pulong ng dalawang lider ng kapulungan ng Kongreso para… Continue reading Speaker Romualdez at SP Escudero, nakatakdang pag-usapan ang legislative priorities ng Kongreso

DA, nagpatupad ng temporary ban sa pag angkat ng mga ibon at poultry products mula sa Michigan

Ipinagbawal muna pansamantala ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng domestic and wild birds at poultry products mula sa Michigan, USA. Naglabas ng kautusan si DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. matapos ang paglitaw ng H5N1 subtype ng Highly Pathogenic Avian Influenza sa nasabing bansa. Kabilang pa sa ipinagbawal na angkatin ang poultry meat,… Continue reading DA, nagpatupad ng temporary ban sa pag angkat ng mga ibon at poultry products mula sa Michigan

VP Sara Duterte sa mga Kabataan: Maging tagapagtaguyod ng positibong pagbabago sa bansa

Sa ginanap na pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Davao City, binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng paggunita sa sakripisyo ng ating mga bayani upang makamit ang kalayaan ng bansa. Sa kaniyang talumpati, hinikayat ni VP Duterte ang lahat na pahalagahan ang kasarinlang natatamasa ngayon at gamitin ito… Continue reading VP Sara Duterte sa mga Kabataan: Maging tagapagtaguyod ng positibong pagbabago sa bansa

Gov. Jonvic Remulla, bukas sa imbestigasyon ng PAOCC sa mga POGO sa Cavite

Welcome si Cavite Governor Jonvic Remulla na mag-inspeksyon ang Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) sa mga POGO sa Lalawigan ng Cavite. Ayon kay Remulla, dapat lang tiyakin na magkakaroon ng tamang koordinasyon sa mga lokal na otoridad gaya ng PNP at warrant kung mag-iinspeksyon ang PAOCC. Samantala, nilinaw namang muli ng governor na walang… Continue reading Gov. Jonvic Remulla, bukas sa imbestigasyon ng PAOCC sa mga POGO sa Cavite

Mega Jobs Fair ng DMW ngayong Araw ng Kalayaan, dinagsa ng mga aplikante

Dinagsa ng mga aplikante na nais na makakuha ng magandang trabaho ang isinasagawang Independence Mega Jobs Fair ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Robinsons Galleria sa Ortigas. Ayon sa DMW, mahigit 7,000 ang alok na trabaho ng nasa 23 licensed recruitment agencies na kalahok sa naturang job fair. Kabilang sa mga alok na trabaho… Continue reading Mega Jobs Fair ng DMW ngayong Araw ng Kalayaan, dinagsa ng mga aplikante

Pagbibigay halaga sa kalayaang tinatamasa ng bansa, binigyang diin ni Sen. Bong Revilla

Ganap na alas-8 ng umaga, iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa makasaysayang Aguinaldo Shrine sa Kawit Cavite. Matatandaang 126 na taon na ang nakakaraan o noong June 12, 1898 ay sa naturang dambanang ito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas bilang senyales ng Kalayaan ng Pilipinas. Si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang panauhing pandangal… Continue reading Pagbibigay halaga sa kalayaang tinatamasa ng bansa, binigyang diin ni Sen. Bong Revilla

DMW, kinilala ang mga sakripisyo at ambag ng OFWs para sa bansa ngayong Araw ng Kalayaan

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, nagpaabot ng pagbati at pagpupugay ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga overseas Filipino worker (OFW). Sa mensahe ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mga OFW bilang mga bagong bayani ng bansa. Kinilala rin… Continue reading DMW, kinilala ang mga sakripisyo at ambag ng OFWs para sa bansa ngayong Araw ng Kalayaan

NTF-ELCAC, nakabantay sa posibleng ‘resurgence’ ng terorismo

Nananatiling mapagbantay ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa posibleng “resurgence” ng terorismo sa kabila ng paghihingalo ng mga pwersa ng kilusang komunista. Sa isang pahayag, sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na bagama’t nalinis na ang karamihan sa mga lugar mula sa mga aktibong NPA guerilla… Continue reading NTF-ELCAC, nakabantay sa posibleng ‘resurgence’ ng terorismo