Presyo ng manok sa Agora Public Market sa San Juan City, nananatiling matatag

Nananatiling matatag ang presyuhan ng manok sa Agora Public Market sa San Juan City. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱180 ang kada kilo sa whole chicken, habang ₱200 ang kada kilo ng choice cuts. Ayon sa mga nagtitinda, bagaman tumaas pa ang presyo ng baboy, hindi pa rin nila ganoong ramdam ang pagtaas… Continue reading Presyo ng manok sa Agora Public Market sa San Juan City, nananatiling matatag

Monumento Circle sa Caloocan, nakahanda na para sa gaganaping Independence Day celebration

All set na ang Monumento Circle sa Caloocan City para sa gaganaping aktibidad ngayong umaga na may kaugnayan sa ika-126 taong selebrasyon ng Araw ng Pambansang Kalayaan. Pangungunahan ni Caloocan City Mayor Along Malapitan kung saan panauhing pandangal si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. at mga kinatawan mula… Continue reading Monumento Circle sa Caloocan, nakahanda na para sa gaganaping Independence Day celebration

126 PDLs, inaasahang makakalaya ngayong Araw ng Kalayaan — BuCor

Aabot sa 126 na persons deprived of liberty (PDLs) ang inaasahang makakalaya ngayong pagdiriwang ng ika-126 na annibersaryo ng Araw ng Kalayaan bukas June 12. Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., tinaon nila ang naturang pagpapalaya sa mismong Araw ng Kalayaan upang mas maramdaman nila na muli na silang… Continue reading 126 PDLs, inaasahang makakalaya ngayong Araw ng Kalayaan — BuCor

Light Rail Manila Corporation, maghahatid ng Libreng Sakay sa LRT Line 1 ngayong Araw ng Kalayaan

Ngayong ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng bansa, maghahatid ng Libreng Sakay ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) na siyang may hawak ng LRT Line 1. Mag-uumpisa ang Libreng Sakay ngayong araw, mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. Ito’y upang magbigay ng pagpupugay sa ating… Continue reading Light Rail Manila Corporation, maghahatid ng Libreng Sakay sa LRT Line 1 ngayong Araw ng Kalayaan

Operasyon ng Consular Offices at Temporary Off-Site Passport Services sa buong bansa suspendido sa June 12 at 17

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na pansamantalang suspendido ang mga operasyon ng konsulado sa DFA Aseana, Consular Offices (COs) at Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) sites sa buong bansa ngayong araw, June 12 at 17, 2024. Ayon sa DFA alinsunod sa Presidential Proklamasyon Blg. 368 na may petsang October 11, 2023… Continue reading Operasyon ng Consular Offices at Temporary Off-Site Passport Services sa buong bansa suspendido sa June 12 at 17

DFA Sec. Manalo, nagpasalamat sa New Zealand sa patuloy na pagsuporta nito sa Pilipinas sa West Philippine Sea

Nagpasalamat si Department of National Defense (DFA) Secretary Enrique Manalo sa bansang New Zealand sa patuloy na pagsuporta nito sa Pilipinas kaugnay sa pinag-aagawang teritoriyo sa West Philippine Sea. Aniya, ito’y dahil sa naging pahayag ng New Zealand sa pagpapaigting ng pakikipag-ugnayan nito sa bansa, partikular sa defense at security cooperation ng Pilipinas at New… Continue reading DFA Sec. Manalo, nagpasalamat sa New Zealand sa patuloy na pagsuporta nito sa Pilipinas sa West Philippine Sea

Foreign Direct Investment ng Pilipinas tumaas ng 42.1% sa unang quarter ng taon — DTI

Tumaas sa 42.1 percent ang foreign direct investment (FDI) na naitala ng Department of Trade and Industry (DTI) sa unang quarter ng 2024. Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, ang pagtaas ng FDI ay magandang indikasyon dahil tataas din ang global confidence ng ating bansa sa international market. Dagdag pa ng kalihim na ito’y dahil… Continue reading Foreign Direct Investment ng Pilipinas tumaas ng 42.1% sa unang quarter ng taon — DTI

PNP, nanawagan sa mga taga-suporta ni Pastor Quiboloy na galangin ang ligal na proseso

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga taga-suporta ni Pastor Apollo Quiboloy na galangin ang ligal na proseso at batas ng bansa. Ito’y matapos na sabayang ipatupad ng PNP noong Lunes ang pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Quiboloy at lima pang indibidwal sa tatlong lokasyon na pinaniniwalaang madalas puntahan ng kontrobersyal na lider… Continue reading PNP, nanawagan sa mga taga-suporta ni Pastor Quiboloy na galangin ang ligal na proseso

Magkaisa kontra sa kasinungalingan ng mga manunupil, mensahe ni Defense Sec. Teodoro para sa Araw ng Kalayaan

Nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa sambayanan na magkaisa laban sa “kasinungalingan at maling impormasyon na pinalalaganap ng mga naglalayong supilin at magkabaha-bahagi ang bansa.” Sa mensahe ni Sec. Teodoro sa pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, pinaalalahanan ng kalihim ang mga mamamayan na manatiling “mapanuri at… Continue reading Magkaisa kontra sa kasinungalingan ng mga manunupil, mensahe ni Defense Sec. Teodoro para sa Araw ng Kalayaan

Singil sa kuryente, posibleng tumaas ngayong Hunyo – Meralco

Nag-abiso ang Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang mga customer na asahan ang pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo. Sa pahayag ng Meralco, sinabi nito na ang pagtaas ay dahil sa “pass-through” charges, kabilang ang mas mataas na transmission charge at feed-in tariff allowance. Bukod pa rito, nakadagdag din sa pagtaas ng… Continue reading Singil sa kuryente, posibleng tumaas ngayong Hunyo – Meralco