Ilang miyembro ng Kamara, suportado ang hakbang ng Senado na suspendihin ang konstruksyon at rebyuhin muna ang ipinapatayong bagong gusali nito

Nagpahayag ng suporta ang mga mambabatas na miyembro ng Young Guns sa pansamantalang suspensyon ng new Senate building habang isinasailalim sa review. Ayon kay 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, mahalaga ang pananagutan pagdating sa paggasta ng pera ng bayan. “It is only prudent to scrutinize projects involving public funds. We owe it to our constituents… Continue reading Ilang miyembro ng Kamara, suportado ang hakbang ng Senado na suspendihin ang konstruksyon at rebyuhin muna ang ipinapatayong bagong gusali nito

Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon, pangkalahatang naging mapayapa — PNP

Generally peaceful kung ituring ng Philippine National Police (PNP) ang mga naging takbo ng aktibidad kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng kasarinlan ng bansa kahapon. Ito’y ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo kasunod ng isinagawa nilang maghapong pagbabantay sa iba’t ibang panig ng bansa. Bagaman may mga naitalang… Continue reading Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon, pangkalahatang naging mapayapa — PNP

Malaking butas sa bahagi ng Marcos Highway sa Antipolo City, nasimentuhan na

Nabuhusan na ng semento ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang malaking butas sa westbound lane ng Marcos Highway sa Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City. Batay sa abiso ng Antipolo LGU, sinamantala ng mga taga-DPWH ang holiday kahapon para masimentuhan ang naturang kalsada. Magugunitang nilagyan muna ng steel plate ang… Continue reading Malaking butas sa bahagi ng Marcos Highway sa Antipolo City, nasimentuhan na

Comelec, bubuo ng isang komite na titingin at maglalagay ng mga regulasyon sa mga campaign materials at iba pang basura tuwing eleksyon

Inirekomenda na ni Chairman George Erwin Garcia sa En Banc ng Commission on Election para bumuo ng isang komite na tututok sa mga campaign materials at basura sa panahon ng kampanya. Sa kanyang liham sa En Banc, nais nito na aprubahan ang kanyang panukala na Committee on Environmentally Sustainable. Saklaw ng bubuuing komite ang paggawa… Continue reading Comelec, bubuo ng isang komite na titingin at maglalagay ng mga regulasyon sa mga campaign materials at iba pang basura tuwing eleksyon

Negosyante na si Manny Villar, pinag-iingat ang publiko sa kumakalat na Deepfake gamit ang kanyang boses sa isang investment

Pinag-iingat ni dating Senate President Manny Villar ang publiko sa kumakalat na investment scam gamit ang Deepfake. Ayon sa negosyante, may mga nakarating sa kanya na mayroong mga nanghihikayat ng isang investment kung saan ginagamit ang kanyang larawan at boses. Sa isang press statement, sinabi ng dating senador na hindi totoo na mayroon siyang bagong… Continue reading Negosyante na si Manny Villar, pinag-iingat ang publiko sa kumakalat na Deepfake gamit ang kanyang boses sa isang investment

Mga kawani ng Batanes LGU, makikinabang na sa KaSSSangga Program ng SSS

Tuloy-tuloy ang pagpapalawak ng Social Security System sa programa nitong KaSSSangga Collect Program na layong bigyan ng sapat na social security coverage ang mga Job Order, at mga manggagawang Contract of Service. Maging ang pamahalaang panlalawigan ng Batanes, nakipagtulungan na rin sa SSS kasunod ng paglagda nina SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma… Continue reading Mga kawani ng Batanes LGU, makikinabang na sa KaSSSangga Program ng SSS

Caloocan LGU, tuloy-tuloy ang paghahanda sa tag-ulan

Nagsagawa na ng declogging operations ang mga kawani ng Caloocan Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD) bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan at La Niña. Kabilang sa nilinis ang mga baradong kanal at estero sa Doña Aurora Road, sa Barangay 178. Ayon kay Mayor Along Malapitan, isa sa mga pangunahing sanhi ng pagbaha tuwing… Continue reading Caloocan LGU, tuloy-tuloy ang paghahanda sa tag-ulan

Pamahalaan, nananatiling prayoridad ang pagbabantay sa West Philippine Sea — National Security Council

Nanindigan ang pamahalaan na igiit ang naging panalo ng Pilipinas sa inihain nitong kaso laban sa China sa International Arbitral Tribunal noong 2016. Ito ang inihayag ng National Security Council (NSC) kasunod na rin ng muling pagtitiyak ng pangako nito na bantayan ang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay National Security… Continue reading Pamahalaan, nananatiling prayoridad ang pagbabantay sa West Philippine Sea — National Security Council

Panukalang i-ban ang paggamit ng smartphones, iba pang gadget sa mga paaralan, suportado ni VP Sara

Suportado ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang panukalang “ban” sa paggamit ng mga smartphone gayundin ng iba pang gadget ng mga mag-aaral at guro sa oras ng klase. Ito’y kasunod na rin ng inihaing Senate Bill 2706 ni Senador Sherwin Gatchalian o Electronic Gadget Free Schools Act. Sa ilalim ng panukala, pagbabawalan… Continue reading Panukalang i-ban ang paggamit ng smartphones, iba pang gadget sa mga paaralan, suportado ni VP Sara

MWSS, muling humirit na panatilihin ang dagdag alokasyon sa Angat Dam simula sa June 16

Muling nakiusap ang Manila Water Sewerage System (MWSS) sa National Water Resources Board (NWRB) na palawigin pa ang dagdag alokasyon ng tubig sa Angat dam para sa mga customer ng Maynilad at Manila Water hanggang sa katapusan ng Hunyo. Sa kasalukuyan ay nasa 51 cubic meters per second ang water allocation ng MWSS sa Angat… Continue reading MWSS, muling humirit na panatilihin ang dagdag alokasyon sa Angat Dam simula sa June 16