South Korean fugitive arestado ng mga awtoridad sa Cebu

Inaresto ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang sinasabing puganteng Koreano na wanted umano dahil sa financial fraud. Kinilala ang inarestong South Korean national na si You Hyun Tea, 53-anyos, sa kanyang tinitirhan sa Cordova, Cebu. Sangkot umano si You sa pagpapatakbo ng ilegal na online sports gambling, kung saan kumita umano ito… Continue reading South Korean fugitive arestado ng mga awtoridad sa Cebu

21 sa 22 Filipino seafarers na sakay ng MV Tutor na inatake ng Houthi rebels, nailigtas na –DMW

Matagumpay nang nailigtas ang 21 sa 22 Pilipinong seafarer ng bulk carrier na MV Tutor na inatake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden nitong Hunyo 12. Sa media forum, kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang ginawang rescue operations kagabi at nasa ligtas at maayos na kundisyon na ang mga… Continue reading 21 sa 22 Filipino seafarers na sakay ng MV Tutor na inatake ng Houthi rebels, nailigtas na –DMW

LTO, sisimulan nang ipatupad ang ‘No Plate, No Travel’ policy para sa tricycles sa Quezon City

Simula sa Hulyo 1, ipatutupad na ng Land Transportation Office (LTO) ang ‘No Plate, No Travel’ policy para sa mga tricycle sa Quezon City. Ngayon pa lang, umaapela na ang LTO sa car dealers, motor vehicle owners na kumuha na ng license plates sa gitna ng planong ipatupad ang polisiya sa buong bansa. May koordinasyon… Continue reading LTO, sisimulan nang ipatupad ang ‘No Plate, No Travel’ policy para sa tricycles sa Quezon City

Bulkang Kanlaon, tahimik sa nakalipas na magdamag –PHIVOLCS

Hindi nagparamdam ng pag-aalburoto ang bulkang Kanlaon sa Negros Island sa nakalipas na magdamag. Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), walang naitalang volcanic earthquake sa bulkan  sa nakalipas na 24 oras. Huli itong nagbuga ng sulfur dioxide kahapon na umabot sa 4,395 tonelada at plume ng hanggang 200 metro ang… Continue reading Bulkang Kanlaon, tahimik sa nakalipas na magdamag –PHIVOLCS

MMDA, wala pang guidelines sa panghuhuli ng unconsolidated jeepneys

Hindi pa nag-uumpisa sa panghuhuli ng mga unconsolidated jeepney ang Metro Manila Development Authority (MMDA). Ito’y sa kabila ng anunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sisimulan nang hulihin ang mga passenger jeepney na itinuturing nang colorum. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Romando Artes, wala pa silang natatanggap na guidelines ukol dito… Continue reading MMDA, wala pang guidelines sa panghuhuli ng unconsolidated jeepneys

Limang OFWs na biktima ng pang-aabuso sa Brussels, nakabalik na ng bansa –DFA

Balik-bansa na ang limang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Brussels, Belgium matapos ang isinagawang repatriation sa mga ito bilang bahagi ng hakbang ng pamalahaan laban sa mga pang-aabuso sa paggawa. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), noong June 12 ay nakabalik na ng Pilipinas ang mga nabanggit na manggagawa kasunod ng dalawa pang… Continue reading Limang OFWs na biktima ng pang-aabuso sa Brussels, nakabalik na ng bansa –DFA

Bigay na tulong sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño, higit na sa ₱870-M –DSWD   

Umabot na sa ₱870,130,000 na halaga ng tulong ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño sa ilang rehiyon sa bansa. Ayon sa DSWD, kabilang sa mga lalawigang pinagkalooban ng tulong ang Zamboanga, Sultan Kudarat, General Santos, Iligan City, Cagayan de Oro, Tawi-Tawi,… Continue reading Bigay na tulong sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño, higit na sa ₱870-M –DSWD   

DOLE magsasagawa ng review sa petisyon ng taas-sahod sa Metro Manila

Nakatakdang dinggin sa darating na June 20 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng National Capital Region (RTWPB-NCR) ang mungkahing pagtaas ng minimum wage sa mga manggagawa sa Metro Manila. Ito ay kasunod ng petisyon na inihain noong Mayo 24 ng Unity for Wage Increase Now (UWIN) na humihiling ng ₱597 na pagtaas sa… Continue reading DOLE magsasagawa ng review sa petisyon ng taas-sahod sa Metro Manila

Cosmetics na kontaminado ng mercury, talamak na ibinebenta sa Mandaluyong City

Talamak na ring ibinebenta sa Mandaluyong City ang cosmetics na kontaminado ng mercury. Ayon kay EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero, dapat gumawa ng mga hakbang ang Mandaluyong City government at Food and Drug Administration (FDA) para masugpo ang bentahan ng ipinagbabawal na skin whitening products. Batay sa market surveillance na isinagawa ng grupo mula… Continue reading Cosmetics na kontaminado ng mercury, talamak na ibinebenta sa Mandaluyong City