‘Early Prevention Awareness’ laban sa nicotine addiction ng kabataan, inilunsad ng PSFM

Inilunsad ng Philippine Smoke-Free Movement (PSFM) ang “early prevention awareness” activity na layong mailigtas ang mga kabataan mula sa nicotine addiction. Ginawa ito ng grupo habang ginugunita ng bansa ang “National No Smoking Month” ngayong Hunyo at kasunod ng naiulat na unang pagkamatay na kaugnay sa paggamit ng vape. Layon din nito na palawakin ang… Continue reading ‘Early Prevention Awareness’ laban sa nicotine addiction ng kabataan, inilunsad ng PSFM

Mas maayos na labor situation sa Pilipinas, siniguro ng isang mambabatas

Tiniyak ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at TINGOG Party-list Representative Jude Acidre na itataguyod ng bansa ang mas maayos na kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas. Kasunod ito ng pagdalo ni Acidre at ng ilan pang mambabatas sa 112th Session ng International Labour Conference na ginanap sa Geneva, Switzerland. Ang pagdalo aniya… Continue reading Mas maayos na labor situation sa Pilipinas, siniguro ng isang mambabatas

Pagkakatalaga kay Rogelio Quevedo bilang bagong commissioner ng SEC, welcome sa regulatory body

Welcome sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang appointment ng bagong commissioner na si Rogelio Quevedo. Si Quevedo ang papalit sa namayapang si Commissioner Dominic Guevara. Ayon SEC Chairperson Emilio Aquino, malaki ang ambag ng bagong commissioner sa ahensya sa kanyang dekadang karanasan sa corporate law at government service. Makatutulong aniya si Quevedo na tuklasin ang… Continue reading Pagkakatalaga kay Rogelio Quevedo bilang bagong commissioner ng SEC, welcome sa regulatory body

Pagugunita ng Eid’l Adha sa Isabela de Basilan, naging mapayapa

Naging mapayapa ang paggunita ng Salatu Eid’l Adha na nilahukan ng libo-libong mga Isabeleñong Muslim sa lungsod ng Isabela sa Basilan kahapon. Inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Isabela katuwang ng Basilan Ulama Council ang isinagawang congregational prayer na idinaos sa Isabela City Grandstand. Nagsilbing imam, pinangunahan ni Dr. Aboulkhair Tarason ang nasabing pagdarasal habang… Continue reading Pagugunita ng Eid’l Adha sa Isabela de Basilan, naging mapayapa

Isang lane ng E. Santos Street sa Pasig City, pansamantalang isasara simula bukas

Abiso sa mga motorista. Pansamantalang isasara ang isang linya ng E. Santos St. sa Barangay Sumilang, Pasig City simula bukas hanggang sa June 28. Ito ay upang bigyang-daan ang wire clearing operations ng Meralco. Batay sa abiso, pansamantalang isasara ang isang lane simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Humingi naman ng paumanhin ang… Continue reading Isang lane ng E. Santos Street sa Pasig City, pansamantalang isasara simula bukas

Personal remittances ng OFWs, umakyat sa 3.1% sa buwan ng Abril

July 13, 2018 The peso is currently at 53.5 to a dollar. It is expected to weaken and may even reach an exchange rate of a P54 - 55 this year. Photo by Geela Garcia OJT.

Umakyat ng 3.1% o 2.86-billion USD para sa buwan ng Abril ang personal remittance ng overseas Filipino workers (OFWs). Mataas ito kumpara sa 2.77-billion US dollars na naitala ng parehas na buwan ng 2023. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ito ay mula sa land-based na mangaggawa na may kontrata sa trabaho ng isang taon… Continue reading Personal remittances ng OFWs, umakyat sa 3.1% sa buwan ng Abril

DOF, nakiisa sa pagdiriwang ng 22nd Depositor Protection and Awareness Week

Nakikiisa ang Department of Finance (DOF) sa pagdiriwang ngayon ng ika-22 Depositor Protection and Awarenes Week o DPAW. Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ang lead agency sa mga aktibidad ngayong linggo. Layon ng DPAW na palakasin ang proteksyon ng maliliit na depositor at tumulong sa hangarin ng gobyerno na masustine ang economic growth and… Continue reading DOF, nakiisa sa pagdiriwang ng 22nd Depositor Protection and Awareness Week

Mga mangingisda sa Masinloc, Zambales, aminadong malaking kawalan ang limitadong pagpapalaot sa Scarborough Shoal

Aminado ang mga mangingisda sa Masinloc, Zambales na may pangamba rin silang nararamdaman sa pagpapalaot at pangingisda sa Bajo de Masinloc. Ito ay sa gitna ng pagpapatupad ng China ng bago nilang domestic law na aarestuhin at ikukulong ang mga mahuhuling nangingisda sa loob ng bajo de Masinloc o (Scarborough Shoal). Ayon kay Philip Macapanas,… Continue reading Mga mangingisda sa Masinloc, Zambales, aminadong malaking kawalan ang limitadong pagpapalaot sa Scarborough Shoal

DSWD, pursigidong mawakasan na ang child labor sa bansa

Inulit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang panawagan na wakasan  ang child labor sa bansa. Ayon kay DSWD SHIELD Against Child Labor Focal Maribel Barcenas, kailangang paigtingin na ang pagpapatupad ng komprehensibong mga programa at serbisyo para sa kabataang Pilipino. Hinihikayat din nito ang bawat Pilipino, na bigyan ang bawat bata… Continue reading DSWD, pursigidong mawakasan na ang child labor sa bansa

Bahagi ng NLEX sa Pampanga, isasara para sa konstruksyon ng Sto. Tomas Interchange

Pansamantalang isasara sa mga motorista ang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Sto. Tomas Pampanga simula sa Hunyo 20 hanggang 24 ngayong taon. Sa abiso ng NLEX Corporation, bibigyang daan nito ang konstruksyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa NLEX Sto. Tomas Interchange sa Pampanga area. Sa bahagi ng Northbound paglampas… Continue reading Bahagi ng NLEX sa Pampanga, isasara para sa konstruksyon ng Sto. Tomas Interchange