Ulat ng CCG sa huling insidente sa Ayungin Shoal, ‘deceptive’ at ‘misleading’ — AFP

Hindi na papahalagahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “deceptive” at “misleading” na pahayag ng Chinese Coast Guard (CCG) kaugnay ng huling insidente sa West Philippine Sea. Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad kaugnay ng ulat ng Chinese Coast Guard na binangga umano ng resupply vessel ng… Continue reading Ulat ng CCG sa huling insidente sa Ayungin Shoal, ‘deceptive’ at ‘misleading’ — AFP

Mga residente ng QC, pinag-iingat dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue at iba pang sakit

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagtaas ng mga kaso ng dengue, leptospirosis, at influenza-like na mga sakit sa lungsod sa nakalipas na dalawang linggo. Ito’y matapos ang dalawang linggong sunod-sunod na mga pag-ulan. Habang mino-monitor ng Quezon City Health Department ang kaso ng mga nasabing sakit, pinaaalalahanan ang publiko sa mga… Continue reading Mga residente ng QC, pinag-iingat dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue at iba pang sakit

Tiktok post kaugnay ng educational assistance na ibibigay ng DSWD, fake news

Nilinaw ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang katotohanan ang kumakalat na tiktok post na magbibigay ito ng ‘educational assistance’ sa mga mag-aaral sa buong bansa. Ayon sa DSWD, fake news ang impormasyong ito at ‘di dapat paniwalaan. Kaugnay nito, nagpaalala ang DSWD na huwag magpaloko sa naturang post na may… Continue reading Tiktok post kaugnay ng educational assistance na ibibigay ng DSWD, fake news

Kamara at Senado, malapit nang magkasundo sa panukalang amyenda sa RTL

Positibo si House Speaker Martin Romualdez na magkakasundo ang Kamara at Senado kaugnay ng panukalang amyendahan ang Rice Tariffication Law (RTL) matapos ang unang opisyal na pag-uusap nila ni Senate President Chiz Escudero. Aniya, mas nagiging bukas ang dalawang kapulungan tungkol sa panukala at inaasahan na magkakaroon ng magandang resolusyon. “Ongoing po at mukhang nagkakasunduan… Continue reading Kamara at Senado, malapit nang magkasundo sa panukalang amyenda sa RTL

DSWD, nakapaglaan na ng ₱25-M tulong sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Nakaagapay pa rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon. Ayon sa DSWD, umakyat na sa ₱25 milyon ang halaga ng tulong na naipaabot nito sa mga apektadong pamilya. Naitala naman sa 15,511 na pamilya o halos 50,000 na indibidwal ang naapektuhan ng pag-alburoto… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng ₱25-M tulong sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Iloilo solon, nagpaalala sa publiko na hindi panggamot sa dengue ang siling labuyo

Nagbabala si dating health secretary at ngayon ay Iloilo Rep. Janette Garin sa publiko na hindi nakakagamot ng dengue ang siling labuyo. Sa gitna ito ng pagkalat sa social media na nakakagaling umano ng dengue ang siling labuyo, bagay na una na ring itinanggi ng DOH. “Itong siling labuyong kwentong ito, hindi talaga siya totoo… Continue reading Iloilo solon, nagpaalala sa publiko na hindi panggamot sa dengue ang siling labuyo

‘Cyber for Peace Initiative’, inilunsad ng AFP sa Bulacan

Inilunsad ng Media and Civil Affairs Group, Civil Relations Service (MCAG,CRSAFP) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “Cyber for Peace Initiative” sa pamamagitan ng “gift-giving event” sa Brgy. Talbak, Doña Remedios Trinidad, Bulacan noong Sabado. Ang aktibidad na dinaluhan ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla ay pinakinabangan ng 350 kindergarten na mag-aaral… Continue reading ‘Cyber for Peace Initiative’, inilunsad ng AFP sa Bulacan

Pagiging matatag sa gitna ng mga hamon, mensahe ng Pangulo ngayong Eid’l Adha

Nagpahayag ng kaniyang pakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ng paggunita ng mga kapatid na Muslim sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice. Sa kaniyang mensahe, binigyang diin dito ng Pangulo ang pagiging matatag ng mga kapatid na Muslim sa gitna ng mga nararanasang hamon. Isang magandang pagkakataon sabi ng Pangulo ang… Continue reading Pagiging matatag sa gitna ng mga hamon, mensahe ng Pangulo ngayong Eid’l Adha

Epekto ng pinababang taripa sa mga imported na bigas, posibleng sa Hulyo pa maramdaman ng mga rice retailer

Nagbawas na ng kinukuhang imported rice ang mga nagtitinda ng bigas sa Pasig City Mega Market. Ito’y kasunod na rin ng pag-apruba ng pamahalaan sa mas pinababang taripa na ipinapataw sa mga inaangkat na bigas ng bansa. Ayon sa ilang rice retailer, alalay na lamang muna sila sa mga kinukuhang imported rice upang mabilis itong… Continue reading Epekto ng pinababang taripa sa mga imported na bigas, posibleng sa Hulyo pa maramdaman ng mga rice retailer

Defense Sec. Teodoro, nagpaabot ng pagbati sa mga kapatid na Muslim ngayong Eid’l Adha

Nagpaabot ng kaniyang pagbati si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga kapatid na Muslim ngayong ipinagdiriwang nila ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice. Sa kaniyang mensahe, sinabi ng kalihim na ang okasyon ay isang panawagan ng pagtitiwala kay Allah sa kaniyang karunungan at plano. Gaya na lamang aniya ng ginawang pagtitiwala ng Propeta… Continue reading Defense Sec. Teodoro, nagpaabot ng pagbati sa mga kapatid na Muslim ngayong Eid’l Adha