Pransya, nagpahayag ng seryosong pagkabahala sa sitwasyon sa West Philippine Sea

Sinegundahan ng Pransya ang pagtuligsa ng Estados Unidos sa nangyaring insidente kahapon sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS). Sa isang pahayag na inilabas ng French Embassy sa Manila, nagpahayag ng pagkabahala ang Pransya sa insidente na kinasangkutan ng sasakyang pandagat ng Pilipinas. Ito’y kasunod ng ulat na lumabas sa Chinese media na nagkaroon… Continue reading Pransya, nagpahayag ng seryosong pagkabahala sa sitwasyon sa West Philippine Sea

Manila solon, binigyan ng isang buwang palugit ang mga kompanya ng kuryente, telepono, cable para ayusin ang “spaghetti wires” sa Maynila

Kinalampag ni Manila 3rd District Representative Joel Chua ang utility companies na ayusin ang spaghetti wires na isang malaking public safety hazard. Ayon kay Chua, inatasan niya ang kaniyang district office na magsagawa ng inspeksyon at imbentaryo ng mga nakalaylay na kawad ng kuryente, telepono, at cable maging mga nabubulok at patumba nang poste sa… Continue reading Manila solon, binigyan ng isang buwang palugit ang mga kompanya ng kuryente, telepono, cable para ayusin ang “spaghetti wires” sa Maynila

Antas ng tubig sa Angat Dam, bumaba pa sa 176 meters

Patuloy pa rin ang pagbaba ng lebel ng lebel ng tubig sa Angat Dam. Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay nabawasan pa ng 27 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 176.97 meters. Nasa dalawang metro ang agwat nito mula sa 178.08 meters na lebel ng… Continue reading Antas ng tubig sa Angat Dam, bumaba pa sa 176 meters

Suporta ng G7 sa Pililpinas, napapanahon — isang House leader

Timely o napapanahon ang paghahayag ng suporta ng G7 sa Pilipinas sa gitna ng umiinit na tensyon sa West Philippine Sea dahil sa pagiging agresibo ng China ayon kay House Deputy Majority Leader Janette Garin. Aniya, malaking bagay na makakuha ng suporta ang isang maliit na bansa gaya ng Pilipinas mula sa ating “big brothers”… Continue reading Suporta ng G7 sa Pililpinas, napapanahon — isang House leader

PBBM, sisikaping mapuntahan ang lahat ng lugar na matinding tinamaan ng tagtuyot para personal na maghatid ng tulong

Nasa 82 probinsiya ang nakatakdang hatiran ng tulong ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng naging epekto ng El Niño sa hanay ng mga magsasaka at mangingisda. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, inihayag ni TF El Niño Spokesperson at Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Joey Villarama na ang pagbibigay ng… Continue reading PBBM, sisikaping mapuntahan ang lahat ng lugar na matinding tinamaan ng tagtuyot para personal na maghatid ng tulong

Panghuhuli ng China sa mga umanoy trespassers sa inaangkin nitong teritoryo, grey zone tactics lang — isang eksperto

Grey zone tactics lang ng China ang umanoy ruling nito na manghuhuli sila ng mga umanoy papasok sa kanilang inaangking teritoryo. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Political Analyst, Dr. Froilan Calilung na maituturing na taktika lang ng China ang nasabing banta gayung wala naman itong pinanghahawakang international agreement o international legal document para ipatupad… Continue reading Panghuhuli ng China sa mga umanoy trespassers sa inaangkin nitong teritoryo, grey zone tactics lang — isang eksperto

Produksyon ng palay sa 2nd quarter ng 2024, inaasahang bababa — PSA

Inaasahang bahagyang bababa ang produksyon ng palay sa bansa mula Abril hanggang Hunyo ng taong ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).  Sa pagtaya ng PSA, maaaring bumaba sa 3.89 milyong metriko tonelada ang tinatayang produksyon ng palay para sa ikalawang quarter ng taon.  Mas mababa ito ng 8.4%  mula sa aktwal na produksyon na 4.25… Continue reading Produksyon ng palay sa 2nd quarter ng 2024, inaasahang bababa — PSA

Oplan Pag-abot ng DSWD, nakatulong na sa higit 2,500 na mga indibidwal na nasa lansangan

Patuloy pa rin ang ginagawang pag-iikot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lansangan sa Metro Manila para sa programa nitong Oplan Pag-abot. Batay sa pinakahuling datos ng DSWD, nakapagbigay na ito ng tulong sa kabuuang 2,583 indibidwal na nagpalaboy sa mga lansangan. Mula sa bilang na ito, nasa 1,664 ang mga… Continue reading Oplan Pag-abot ng DSWD, nakatulong na sa higit 2,500 na mga indibidwal na nasa lansangan

Imbentaryo ng bigas sa bansa, tumaas — PSA 

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagtaas ng imbentaryo ng bigas sa bansa. Batay sa tala ng PSA, umabot sa 2.08 milyong metriko tonelada ang kabuuang rice stocks inventory as of May 1, 2024. May katumbas itong taunang pagtaas na 10.3% mula sa 1.88 milyong metriko tonelada na imbentaryo sa parehong panahon noong nakaraang… Continue reading Imbentaryo ng bigas sa bansa, tumaas — PSA 

Search & rescue ops sa nawawalang bata sa North Caloocan, nagpapatuloy

Puspusan pa rin ang ginagawang search and rescue operation ng Caloocan Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) sa nawawalang 8-taong gulang na batang nahulog sa creek sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan kahapon. Ayon sa Caloocan LGU, nakatanggap sila ng tawag mag-aalas-3 ng hapon kahapon dahil sa nawawalang bata. Agad namang iniutos ng alkalde… Continue reading Search & rescue ops sa nawawalang bata sa North Caloocan, nagpapatuloy