Mga sundalong magsasagawa ng RoRe mission, bibigyan ng angkop na kagamitan upang maiwasan ang ‘mismatch’

Ihahanda ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang mga tauhan at bibigyan ng angkop na kagamitan sa mga susunod na RORE mission. Ito ang inihayag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Phil. Sea Commodore Roy Vincent Trinidad sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag sa Camp Aguinaldo sa telepono. Ayon kay Trinidad, may “mismatch” na… Continue reading Mga sundalong magsasagawa ng RoRe mission, bibigyan ng angkop na kagamitan upang maiwasan ang ‘mismatch’

National Artist Award para kay Eddie Garcia, isinusulong sa Kamara

Bilang komemorasyon sa ika-5 taong anibersaryo ng pagpanaw ng batikang aktor na si Eddie Garcia, itinutulak ni AGRI party-list Rep. Wilbert Lee na magawaran ito ng ‘National Artist Award’. Sa kaniyang House Resolution 1769, hinihiling sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP) na gawaran ng posthumous… Continue reading National Artist Award para kay Eddie Garcia, isinusulong sa Kamara

House panel chair, suportado ang panawagang imbestigasyon sa pagkakaloob ng retirees at investors visa sa mga Chinese

Sang-ayon si House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers sa planong mas malalimang imbestigasyon sa pagbibigay ng retirees at investors visa sa mga dayuhan partikular ang mga Chinese. Ayon sa mambabatas, una nang naungkat ang isyu sa hiwalay nilang pag iimbestiga kaugnay sa multi-billion-peso drug haul sa Pampanga, kung saan inusisa ang pagkakakilanlan… Continue reading House panel chair, suportado ang panawagang imbestigasyon sa pagkakaloob ng retirees at investors visa sa mga Chinese

Iba’t ibang programa ng gobyerno sa Region 8, iniulat ni PBBM

Iprinesenta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga programa ng pamahalaan para sa mga residente ng Agusan at Surigao del Sur. Sa personal na pagbisita ng Pangulo sa dalawang nabanggit na lalawigan ngayong araw (June 20), binanggit ng Pangulo ang Cabadbaran-Puting Bato-Lanuza road project na halos 45% na aniyang nagagawa gayundin ang East-West lateral… Continue reading Iba’t ibang programa ng gobyerno sa Region 8, iniulat ni PBBM

DSWD, may nakalaan nang 1.54M food packs bilang paghahanda sa La Niña

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat itong stockpile para agad makatugon sa inaasahang epekto ng La Niña. Sa DSWD Forum, iniulat ni DSWD Special Assistant to the Secretary(SAS) for DRMG at concurrent Director of National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) Leo Quintilla na may nakahanda nang nasa 1.54… Continue reading DSWD, may nakalaan nang 1.54M food packs bilang paghahanda sa La Niña

Bagong missile-equipped gunboat, dumating sa Naval Forces Western Mindanao

Ipinagdiwang ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ang pagdating ng kanilang bagong missile-equipped patrol boat na BRP Laurence Narag (PG-907) sa Ensign Majini Pier sa Bagong Calarian, Zamboanga City. Sa welcome ceremony noong Martes na pinangunahan ni Deputy Commander for Fleet Operations, Navy Captain Hilarion Cesista, kanyang sinabi na mahalaga ang BRP Laurence Narag para… Continue reading Bagong missile-equipped gunboat, dumating sa Naval Forces Western Mindanao

Rapid-Deployment Mobile Kitchen, nakatakdang ilunsad ng DSWD

Tinatarget ng Department of Social Welfare and Development na makapag-deploy ng mga mobile kitchen sa lahat ng rehiyon sa bansa para makatulong sa response efforts ng Kagawaran tuwing may kalamidad. Sa DSWD Forum, ibinahagi ni DRMG Usec. Diana Rose Cajipe na bukod sa mga naka-deploy nang Mobile Command Centers ay inihahanda na rin nila ang… Continue reading Rapid-Deployment Mobile Kitchen, nakatakdang ilunsad ng DSWD

HADR warehouse, itinayo ng PH at US army sa Batanes

Nakumpleto ng mga tropa ng 513th Engineer Construction Battalion ng 51st Engineer Brigade ng Philippine Army at US Army ang konstruksyon ng isang multi-purpose Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) warehouse sa Batanes. Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, ang warehouse sa Itbayat, Batanes ay nai-turn over na sa lokal na pamahalaan noong… Continue reading HADR warehouse, itinayo ng PH at US army sa Batanes

SC, naglaan ng bagong action information para sa mga nais magsumbong vs mga korap na Judge at Justices 

Bumuo ng isang action information ang Korte Suprema para tumanggap ng mga reklamo laban sa mga korap na mga Judges, Justices, at mga empleyado.  Sa Memorandum Order 72-2024 ni Chief Justice Alexander Gesmundo, hinihikayat ang publiko na iparating sa kanila ang mga impormasyon ng mga hindi kanais-nais na gawain ng mga empleyado ng Supreme Court. … Continue reading SC, naglaan ng bagong action information para sa mga nais magsumbong vs mga korap na Judge at Justices 

Pilipinas at Japan, pinalakas pa ang ugnayan ng kani-kanilang parliamento

Muling pinagtibay ng lehislatura ng Pilipinas at Japan ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpapalakas sa Japan-Philippines Parliamentary Friendship League (JPPFL). Bahagi nito ang pagpresenta ng Philippine delagation, sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez, ng kopya ng resolusyong inaprubahan ng House of Representative, upang patatagin pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng JPPFL… Continue reading Pilipinas at Japan, pinalakas pa ang ugnayan ng kani-kanilang parliamento