Bagong cancer center sa Maynila, pinasinayaan ni Speaker Romualdez

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang pagpapasinaya sa unang local government cancer facility sa Maynila ngayong araw. Ang limang palapag na Gov. Benjamin Romualdez Cancer Center sa Ospital ng Maynila ay isa sa mga legacy project ng Marcos Jr. administration. “The President’s vision is clear: no Filipino should have to choose between their health and their… Continue reading Bagong cancer center sa Maynila, pinasinayaan ni Speaker Romualdez

Sen. Revilla, nanawagan sa Toll Regulatory Board na agad nang ilabas ang kautusan tungkol sa CAVITEX toll holiday

Nanawagan si Senate committee on public works chairman Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa Toll Regulatory Board (TRB) na bilisan na ang paglalabas ng pormal na resolusyon para sa pagpapatupad ng 30-day toll holiday sa ilang bahagi ng CAVITEX. Matatandaang una nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inisyatibo ng Philippine Reclamation Authority… Continue reading Sen. Revilla, nanawagan sa Toll Regulatory Board na agad nang ilabas ang kautusan tungkol sa CAVITEX toll holiday

NEDA Board, inaprubahan ang proyektong magpapabilis ng digital transformation ng bansa

Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang Philippine Digital Infrastructure Project. Layong ng proyekto na palakasin ang koneksyon sa internet sa buong bansa, lalo na sa mga liblib na lugar, at paigtingin ang cybersecurity. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan, ang proyektong ito ay magbubukas ng maraming oportunidad para sa mga… Continue reading NEDA Board, inaprubahan ang proyektong magpapabilis ng digital transformation ng bansa

Repatriation ng mga Pilipinong tripulante na sakay ng MV Transworld Navigator, isasagawa kapag nakarating na ang barko sa ligtas na daungan – DMW

Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasa maayos na kalagayan ang mga Pilipinong tripulante na sakay ng MV Transworld Navigator na inatake ng grupong Houthi sa Red Sea. Sa isang pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na ligtas ang 27 mga Filipino seafarer at isa ang nagtamo… Continue reading Repatriation ng mga Pilipinong tripulante na sakay ng MV Transworld Navigator, isasagawa kapag nakarating na ang barko sa ligtas na daungan – DMW

Ipinamahaging ‘Romualdez Rice’, di otorisado ng tanggapan ng House Speaker

Hindi otorisado ng Office of the Speaker ang ‘Romualdez Rice’. Ito ang paglilinaw ni Speaker Martin Romualdez patungkol sa kumakalat na social media post kung saan makikita ang dalawang supot ng tig-1 kilong bigas na may nakasulat na ‘Romualdez Rice’ Sa naging ambush interview ng media sa House leader, sinabi niya na hindi ito sanctioned… Continue reading Ipinamahaging ‘Romualdez Rice’, di otorisado ng tanggapan ng House Speaker

Pag-uusap ng Ehekutibo at Kongreso sa LEDAC meeting ngayong araw, naging produktibo ayon kay SP Escudero

Naging produktibo ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting ngayong araw sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso at ng Ehekutibo kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos, ayon kay Senate President Chiz Escudero. Sinabi ng Senate leader na nag-commit ang lahat na iprayoridad ang mga mahahalaga at makabuluhang mga panukalang batas sa nalalabing 73… Continue reading Pag-uusap ng Ehekutibo at Kongreso sa LEDAC meeting ngayong araw, naging produktibo ayon kay SP Escudero

Meralco, pinaigting ang pagsasaayos ng kanilang mga pasilidad ngayong panahon ng tag-ulan

Mas pinaigting ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagsasaayos at pagpapatibay ng kanilang mga pasilidad ng kuryente bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan at mga posibleng bagyo. Kabilang sa mga isinagawang paghahanda ay ang pag inspeksyon at load-splitting operation sa Hidalgo Street sa Pasay City, kung saan pinalitan ang mga sira-sirang kable at isinaayos ang… Continue reading Meralco, pinaigting ang pagsasaayos ng kanilang mga pasilidad ngayong panahon ng tag-ulan

Mariveles-Hermosa-San Jose 500kV Line, nasa full 8,000MW capacity na – NGCP

Na-energized na sa full 8,000 Mega Watts capacity ang Hermosa-San Jose 500-kiloVolt (kV) transmission line. Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), bahagi ng transmission line ay tatanggap ng karagdagang 2,200MW ng suplay mula sa mga bagong power plants sa Bataan at Zambales hanggang sa natitirang bahagi ng Luzon grid. Ayon sa NGCP,… Continue reading Mariveles-Hermosa-San Jose 500kV Line, nasa full 8,000MW capacity na – NGCP

Paglulunsad ng road safety seminars sa tricycle drivers, ipinag-utos ng LTO Chief na patindihin pa

Inatasan ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II ang lahat ng Regional Directors at District Office heads na paigtingin pa ang road safety seminars sa lahat ng tricycle drivers sa bansa. Naglabas ng kautusan si Mendoza kasunod ng paglulunsad ng Tricycle Operators and Drivers Association o TODA Learning Centers sa iba’t ibang bahagi… Continue reading Paglulunsad ng road safety seminars sa tricycle drivers, ipinag-utos ng LTO Chief na patindihin pa

Dating Pangulong Duterte, Sen. Dela Rosa at dating Sen. De Lima, inimbitahan ng House Committee on Human Rights sa kanilang imbestigasyon sa umano’y insidente ng EJK

Pormal na inimbitahan ng House Committee on Human Rights na dumalo sa kanilang susunod na pagdinig sina dating Pang. Rodrigo Duterte at Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa. Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng komite ukol sa umano’y pagkakaroon ng extra judicial killings sa drug war ng nakaraang administrasyon, nagmosyon si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na… Continue reading Dating Pangulong Duterte, Sen. Dela Rosa at dating Sen. De Lima, inimbitahan ng House Committee on Human Rights sa kanilang imbestigasyon sa umano’y insidente ng EJK