Filipino seafarers, di na papayagang sumakay sa mga barko na sangkot sa mga pag-atake ng grupong Houthi sa Red Sea

Hindi na papayagan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga Filipino seafarer na muling sumakay at maglayag sa mga barkong sangkot sa mga pag-atake ng grupong Houthi sa Red Sea. Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nagpapatuloy ang pagkikipag-usap ng DMW sa mga maritime stakeholder kaugnay sa security assessment ng mga barkong… Continue reading Filipino seafarers, di na papayagang sumakay sa mga barko na sangkot sa mga pag-atake ng grupong Houthi sa Red Sea

Drug cases na isinampa noong nakaraang administrasyon, dapat rebyuhin ayon sa teacher solon

Nanawagan si ACT Teachers Party-list Representative France Castro na isailalim sa review ang drug cases na inihain noong nakaraang administrasyon. Kasunod ito ng pagkagalak na tuluyan nang makakalaya si dating Senator Leila de Lima matapos ibasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang huling drug case na isinampa laban sa dating senator. Ani Castro, maaaring may… Continue reading Drug cases na isinampa noong nakaraang administrasyon, dapat rebyuhin ayon sa teacher solon

LEDAC, inaprubahan ang 28 prayoridad na panukalang batas para maipasa sa 19th Congress

Inaprubahan ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang 28 panukalang batas na bibigyang prayoridad para maipasa sa 19th Congress o hanggang June 2025. Kabilang sa mga prayoridad na ito ay ang pitong panukalang batas na inihain ng economic team, na kinabibilangan ng mga pag-amyenda sa Right-of-Way Act, Excise Tax on Single-Use Plastics, Rationalization of the… Continue reading LEDAC, inaprubahan ang 28 prayoridad na panukalang batas para maipasa sa 19th Congress

Speaker Romualdez, nangakong maipapasa ang nalalabing tatlo sa 28 LEDAC bills na target aprubahan bago magtapos ang 19th Congress

Siniguro ni Speaker Martin Romualdez na kanilang tatapusin ang nalalabing tatlo sa dalawampu’t walong tinukoy na LEDAC priority bills bago tuluyang magsara ang ika-19 Kongreso sa susunod na taon. Ito ang sinabi ng House leader kasunod ng naging LEDAC meeting na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang. Ang tatlong panukala na… Continue reading Speaker Romualdez, nangakong maipapasa ang nalalabing tatlo sa 28 LEDAC bills na target aprubahan bago magtapos ang 19th Congress

Defense Sec. Teodoro, nag-aalinlangan na magkaroon ng military to military discussion sa China kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea

Aminado si Defense Secretary Gilbert Teodoro na pag-aatubili siyang magkaroon ng military to military discussion sa China kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea. Paliwanag ni Teodoro, hindi pa niya nakikitaan ng good faith ang China para magkaroon ng maayos na diskusyon sa ating militar. Posible rin kasi aniyang gamitin ng China ang military to… Continue reading Defense Sec. Teodoro, nag-aalinlangan na magkaroon ng military to military discussion sa China kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea

DOTr, kinilala ang mahalagang papel ng mga Filipino seafarer sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

Sa pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer ngayong araw, binigyang-diin ng Department of Transportation (DOTr) ang mahalagang papel ng mga Pilipinong marino sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Sa mensahe ni Transportation Secretary Jaime Bautista, tiniyak ng DOTr ang pangangalaga sa mga karapatan, seguridad sa trabaho, at kapakanan ng mga marino. Kinilala rin ng… Continue reading DOTr, kinilala ang mahalagang papel ng mga Filipino seafarer sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

Manila Water, magpapatupad ng water service interruption sa ilang barangay sa Quezon City

Makararanas ng water service interruption ang ilang barangay sa lungsod Quezon na sineserbisyuhan ng Manila Water simula mamayang gabi. Sa abiso ng water company, ang kawalan ng suplay ng tubig ay bunsod ng isasagawang line maintenance at strainer declogging. Kabilang sa mga barangay na maaapektuhan nito ang ilang bahagi ng Brgy. Valencia mula alas-10:00 ng… Continue reading Manila Water, magpapatupad ng water service interruption sa ilang barangay sa Quezon City

Sundalong naputulan ng daliri sa pinakabagong insidente ng harassment ng China sa RoRe mission ng tropa ng Pilipinas, humarap sa pagdinig ng Senado

Dumalo sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Affairs si Seaman First Class Underwater Operator Jeffry Facundo o ang sundalong naputulan ng daliri sa pinakahuling insidente ng panghaharang at harassment ng China Coast Guard sa mga sundalo ng Pilipinas sa Ayungin Shoal. Dito ay ipinahayag ni Facundo ang kanyang paninindigan na intentional o sinadya ng… Continue reading Sundalong naputulan ng daliri sa pinakabagong insidente ng harassment ng China sa RoRe mission ng tropa ng Pilipinas, humarap sa pagdinig ng Senado

Pagpapadala ng mga Filipino domestic at skilled worker sa Kuwait, muling papayagan, ayon sa DMW

Muling papayagan ang pagpapadala ng mga Filipino domestic at skilled worker sa Kuwait. Ito ang inanunsyo ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa isang pulong balitaan ngayong hapon. Ayon kay Secretary Cacdac, nakipagpulong si Migrant Workers Undersecretary Bernard Olalia sa mga opisyal at kinatawan ng Ministry of Interior at Ministry of Foreign Affairs sa… Continue reading Pagpapadala ng mga Filipino domestic at skilled worker sa Kuwait, muling papayagan, ayon sa DMW

DFA, magkakaroon ng bilateral consultation sa China kaugnay ng sitwasyon sa WPS

Nakatakdang magsagawa ng pagpupulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang Chinese counterpart para talakayin ang nangyaring panibagong insidente sa Ayungin Shoal. Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na matapos ang nangyari sa Ayungin Shoal nitong June 17 ay agad nakipag-ugnayan ang DFA sa Chinese Ministry of Foreign Affairs… Continue reading DFA, magkakaroon ng bilateral consultation sa China kaugnay ng sitwasyon sa WPS