3-milyong bagong trabaho hanggang 2028, target ng Administrasyong Marcos

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tatlong milyong bagong trabaho ang target na malikha hanggang 2028 o sa pagtatapos ng kanyang termino. Sa 2024 National Employment Summit, inihayag ng Pangulo na malaki ang magagawa dito ng “Trabaho Para sa Bayan Plan”, na isang 10 year plan na magsisilbing gabay tungo sa  paglikha ng… Continue reading 3-milyong bagong trabaho hanggang 2028, target ng Administrasyong Marcos

PBBM, ipinauubaya sa DFA kung paano isasapormal ang panibagong complaint laban sa China

Higit sa pagpapatawag kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi Lian, sinabi ngayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may kailangan pang gawin ang pamahalaan para tugunan ang pangyayari nitong nagdaang June 17, 2024 sa Ayungin shoal. Sa media interview kay Pangulong Marcos Jr., sinabi nitong daan- daan ng mga protesta ang naisakatuparan… Continue reading PBBM, ipinauubaya sa DFA kung paano isasapormal ang panibagong complaint laban sa China

Pagtakbo ng tatlong miyembro ng pamilya Duterte sa pagka-senador, malalaman sa darating na Oktubre

Magiging malinaw lang ang sinasabing pagtakbo Nina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Congressman Paolo Duterte at Davao city Mayor Sebastian Duterte sa darating na Oktubre. Sa Media Interview Kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr , magkaka- alaman sa susunod na apat na buwan kung lulusong ba sa pagka- Senador ang mag- aamang Duterte gayung Oktubre ang… Continue reading Pagtakbo ng tatlong miyembro ng pamilya Duterte sa pagka-senador, malalaman sa darating na Oktubre

Pangatlong batch ng shabu sa karagatan, natagpuan sa Ilocos Sur

Umabot na sa 60 ang kabuuang bilang ng mga pakete ng shabu na natagpuan sa karagatan ng Ilocos Sur. Sa ulat ni Ilocos Sur Police Provincial Office Director Police Colonel Darnell Dulnuan na nakarating sa Camp Crame, 18 pang karagdagang pakete ng shabu ang natagpuan ng mga mangingisda 42 nautical miles mula sa Magsingal shore.… Continue reading Pangatlong batch ng shabu sa karagatan, natagpuan sa Ilocos Sur

Power situation sa bansa, nais alamin ng mga mambabatas kung handa para sa epekto ng La Niña

Pinatitiyak ng mga mambabatas na miyembro ng Young Guns sa Kamara sa Department of Energy ang kahandaan ng power sector na harapin ang epekto ng La Niña. Paalala ni Zambales Rep. Jay Khonghun, hindi lang basta weather event ang La Niña, dahil isa rin itong banta sa operasyon ng economic activities. Kaya aniya dapat ay… Continue reading Power situation sa bansa, nais alamin ng mga mambabatas kung handa para sa epekto ng La Niña

Bagong Education Secretary, ia-anunsyo ngayong linggo, ayon kay Pangulong Marcos

Minamadali na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paghahanap ng susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd). Katunayan ayon sa pangulo, posibleng mai-anunsyo ba ito sa pagtatapos ng linggo. Pahayag ito ng pangulo, kasunod ng pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte, bilang kalihim ng DepEd at Vice Chair ng NTF-ELCAC, epektibo sa susunod… Continue reading Bagong Education Secretary, ia-anunsyo ngayong linggo, ayon kay Pangulong Marcos

Pinaigting na proteksyon ng mga migrant workers sa Kuwait, panawagan ng partylist solon

Bagamat ikinalugod na inalis na ang ban sa pagbibigay ng entry visa at workers visa sa mga OFW na nais magtrabaho kuwait, binigyang diin ng isang mambabatas na dapat itong sabayan ng pagtiyak ng pinaigting na proteksyon para sa ating filipino migrant workers. Ayon kay OFW party-list Rep. Marissa Magsino, bago muling mag deploy ng… Continue reading Pinaigting na proteksyon ng mga migrant workers sa Kuwait, panawagan ng partylist solon

Magkapatid na sangkot sa sexual exploitation, arestado ng NBI

Timbog sa operasyon ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division ang magkapatid na babaeng sangkot sa sexual exploitation. Sa pulong balitaan ni NBI Director Jaime Santiago, labing isang taong gulang na babae ang biktima na anak ng isa sa mga suspek. Limang taong gulang pa lang umano ang biktima nang sinimulan na abusuhin ito at… Continue reading Magkapatid na sangkot sa sexual exploitation, arestado ng NBI

“Ironclad commitment” ng Estados Unidos, muling tiniyak ni US Defense Sec. Austin kay DND Sec. Teodoro

Muling tiniyak ni US Defense Secretary Lloyd Austin kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, ang “ironclad commitment” ng Estados Unidos na ipagtanggol ang Pilipinas kasunod ng huling pang-haharass ng China sa lehitimong resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong June 17. Ang pagtiyak ay ginawa ni Sec. Austin sa… Continue reading “Ironclad commitment” ng Estados Unidos, muling tiniyak ni US Defense Sec. Austin kay DND Sec. Teodoro

WESCOM Commander, 3 pang opisyal na promote

Pormal na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM) Commander Rear Admiral Alfonso Torres Jr. ang kanyang pangatlong estrella sa donning of ranks ceremony sa Camp Aguinaldo ngayong araw. Ang Seremonya ay pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. Kasama ni Torres na nabigyan ng promosyon sina Marine… Continue reading WESCOM Commander, 3 pang opisyal na promote