$1.1-B na foreign investments, naitala ng bansa para sa buwan ng Mayo — BSP

Tinatayang umabot sa $1.1-billion ang naitalang foreign investment sa bansa para sa buwan ng Mayo ngayong taon. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ay mataas ng $139 million o 15.2% kumpara sa naitalang $914 million noong Abril. Sinasabing tumaas ito dahil sa mga PSE-listed security at mga peso government bond. Mula naman ang… Continue reading $1.1-B na foreign investments, naitala ng bansa para sa buwan ng Mayo — BSP

Libreng entrance exam para sa mga kwalipikadong mag-aaral, isang hakbang para sa patas na access sa kalidad na edukasyon — Speaker Romualdez

Pinuri ni Speaker Martin Romualdez ang pagiging ganap na batas ng panukala na ilibre na sa college entrance exams ang mga kwalipikadong mag-aaral. Aniya, isa itong paraan upang maibsan ang pasanin ng mga mag-aaral at kanilang pamilya at masiguro na mabigyan sila ng oportunidad na maipagpatuloy ang pag-aaral. Hakbang din aniya ito upang masiguro na… Continue reading Libreng entrance exam para sa mga kwalipikadong mag-aaral, isang hakbang para sa patas na access sa kalidad na edukasyon — Speaker Romualdez

DA at FDA, magtutulungan para masugpo ang agricultural smuggling sa bansa

Magtutulungan ang Department of Agriculture (DA) at Food and Drug Administration (FDA) para masawata ang agricultural smuggling sa bansa. Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nakipagkasundo na siya kay FDA Director General Samuel Zacate para lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) na layong palakasin ang border control measures at sugpuin ang mga… Continue reading DA at FDA, magtutulungan para masugpo ang agricultural smuggling sa bansa

San Juan LGU, magtatalaga ng ’basaan zone’ sa mga susunod na pagdiriwang ng Wattah-Wattah Festival

Bubuo ng bagong ordinansa ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan para magtalaga ng ‘basaan zone’ sa mga susunod na pagdiriwang ng Wattah-Wattah Festival. Ito ay kasunod ng mga nangyaring panggugulo at sakitan ng ilang residente ng lungsod noong kasagsagan ng pista noong Lunes. Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, simula sa susunod na… Continue reading San Juan LGU, magtatalaga ng ’basaan zone’ sa mga susunod na pagdiriwang ng Wattah-Wattah Festival

Delivery rider na umano’y binasa at sinaktan sa Wattah-Wattah Festival, nagsampa ng reklamo sa San Juan Prosecutor’s Office

Pormal nang nagsampa ng reklamo sa San Juan Prosecutor’s Office ang delivery rider na umano’y binasa at sinaktan sa kasagsagan ng Wattah-Wattah o Basaan Festival sa San Juan City noong Lunes. Nagsampa ng reklamo ang rider laban sa residente ng lungsod patikular na ang kasong “direct assault, less serious physical injuries, light threats, at unjust… Continue reading Delivery rider na umano’y binasa at sinaktan sa Wattah-Wattah Festival, nagsampa ng reklamo sa San Juan Prosecutor’s Office

QC-LGU, idineklarang matagumpay ang pagsasagawa nito ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa lungsod

Sabay-sabay na lumabas ang mga kawani ng Quezon City Hall mula sa kani-kanilang tanggapan habang isinasagawa ang “duck, cover, and hold” bilang bahagi ng 2nd Quarter Simultaneous Earthquake Drill (NSED) eksaktong alas-dos ng hapon kanina. Nagtipon ang lahat ng kawani sa mga itinalagang ligtas na lugar sa paligid ng Quezon City Hall compound. Ang drill… Continue reading QC-LGU, idineklarang matagumpay ang pagsasagawa nito ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa lungsod

Sen. Sonny Angara, kwalipikadong maging susunod na DepEd secretary, ayon kina SP Chiz Escudero at Sen. JV Ejercito

Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na kwalipikado si Senador Sonny Angara sa posisyon bilang kalihim ng Department of Education (DepEd). Ang pahayag na ito ng Senate leader ay sa gitna ng impormasyong isa si Angara sa mga kinokonsidera ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang susunod na kalihim ng DepEd. Ayon kay Escudero, tinanong… Continue reading Sen. Sonny Angara, kwalipikadong maging susunod na DepEd secretary, ayon kina SP Chiz Escudero at Sen. JV Ejercito

Senate President Escudero, pinuri ang pagiging batas ng Free College Entrance Examination Law

Pinuri ni Senate President Chiz Escudero ang pagiging isang ganap na batas ng Free College Entrance Examinations Law (Republic Act 12006) matapos itong mag-lapse into law o abutin ng lagpas 30 araw sa lamesa ng Pangulo. Ayon kay Escudero, nakatanggap siya ng kumpirmasyon mula kay Executive Secretary Lucas Bersamin na nag-lapse into law na ang… Continue reading Senate President Escudero, pinuri ang pagiging batas ng Free College Entrance Examination Law

Koneksyon ng na-raid na resort sa Clark sa operasyon ng POGO sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga, posible ring imbestigahan ng Senado

Pinag-aaralan na rin ng Senado na maimbestigahan ang limang villas sa Fontana Leisure Parks sa Mabalacat, Pampanga na pinakahuling ni-raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Dito kasi napag-alamang nagpunta at nagtago ang mga tumakas sa Lucky South 99 o ang POGO hub sa Porac, Pampanga. Natuklasan ding isa sa mga “big bosses” na isang… Continue reading Koneksyon ng na-raid na resort sa Clark sa operasyon ng POGO sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga, posible ring imbestigahan ng Senado

Pag-imbita kay dating Pangulong Duterte na dumalo sa imbestigasyon ng war on drugs ng kaniyang administrasyon, di sapilitan

Hindi pupwersahin ng Kamara sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Philippine National Police (PNP) Chief at ngayon ay Senador Ronald Dela Rosa na dumalo sa isinasagawang pagdinig ng House Committee on Human Rights sa umano’y iregularidad ng ipinatupad na war on drugs ng kaniyang administrasyon. Ayon kay Manila Representative Bienvenido Abante, chair ng komite,… Continue reading Pag-imbita kay dating Pangulong Duterte na dumalo sa imbestigasyon ng war on drugs ng kaniyang administrasyon, di sapilitan