47 kilometro na bagong bike lanes sa Davao City at Tagum City, binuksan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang binuksan ang 47 kilometro na bagong bike lanes sa mga piling kalsada sa Davao City at Tagum City.

Layon ng proyektong ito ng Department of Transportation (DOTr) na bigyan ng ligtas, komportable, at maginhawang biyahe ang mga siklista sa Metro Davao.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, mahalaga ang proyektong ito para sa kaginhawaan at kaligtasan ng mga siklista, pagsusulong ng kalusugan, at pagbabawas ng problema sa trapiko.

Dagdag pa ng kalihim, target ng DOTr na mapalawak pa ang mga bike lane sa buong bansa ng hanggang 2,400 kilometro pagdating ng 2028.

Bukod sa bagong bike lanes, pinaayos at pinaganda rin ang mahigit 60 kilometro ng mga dati nang bike lanes sa Metro Davao. Mayroon ding bagong bike racks sa apat na lokasyon para sa kaginhawahan ng mga siklista. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us