Nakatakdang ideklara ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) na drug-cleared ang limang barangay sa Quezon City.
Inanunsyo ito ni QCADAAC Co-Chairman at Vice Mayor Gian Sotto sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse.
Sa ngayon aniya, bumababa na ang bilang ng mga drug dependents at drug pusher sa Quezon City.
Resulta umano ito ng malawakang information campaign at mga drug prevention program ng lokal na pamahalaan.
Naging posible rin aniya ito dahil sa pakikipagtulungan ng barangay, mga eskwelahan at iba pang stakeholder na mulat na rin sa negatibong epekto ng illegal drugs.
Paliwanag ng Bise Akkalde, bagamat hindi maitatanggi na mayroon pa ring nagkalat na ilegal na droga sa lungsod pero karamihan sa mga nahuhuli at namomonitor na mga pusher ay pawang taga ibang lugar ayon sa Quezon City Police District
Ayaw munang banggitin ni Sotto kung anong mga barangay dahil hihintayin pa ang rekord na manggagaling sa Anti-Drug Abuse Council. | ulat ni Rey Ferrer