Pitong lalawigan sa Central Luzon ang ilan sa mga unang nabigyan ng mobile clinics sa ilalim ng proyektong Lab for All ni First Lady Liza Marcos.
Sa Facebook post ng Unang Ginang, kabilang sa mga probinsiya na nabigyan ng nasabing mobile clinic ang lalawigan ng Pampanga, Bataan, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales at Bulacan.
Personal na nai- turn over ang mobile clinics sa mga gobernador ng pitong lalawigan at ayon kay First Lady Liza, target na makapamahagi naman ng mobile clinics sa municipal level.
1,500 municipalities, sabi ng Unang Ginang ang inihahandang mobile clinics sa susunod na taon at itoy sa gitna ng pagsisikap ng Marcos Administration na mailapit ang medical health services at iba pang serbisyo sa mamamayan. | ulat ni Alvin Baltazar