Inaanyayahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang publiko na dumalo sa libreng pagtatanghal ng “MusiKalayaan 2024” simula alas-6 ng gabi ngayong Biyernes, June 7, sa Open Air Auditorium ng Rizal Park.
Ang naturang pagtatanghal na bahagi ng pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ay sa pakikipagtulungan ng National Development Committee at National Historical Commission of the Philippines.
Ito ang unang pagkakataon na magtatampok ang MusiKalayaan ng dulang musikal sa pangunguna ng Media and Civil Affairs Group, Civil Relations Service AFP.
Ang pagtatanghal na pinamagatang “PMA (Pangarap, Mensahe, Adhikain): Semi Musikal na Dula at Konsierto ng bayaning Pilipino” ay gagampanan ng mga miymebro ng Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy, Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Baseco, Cadet Youth Group, at GHQ String Ensemble. | ulat ni Leo Sarne