Kaisa ng buong bansa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
Ito ang mensahe ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr sa bisperas ng ika-126 na Anibersaryo ng proklamasyon ng kasarinlan ng Pilipinas.
Tiniyak ni Gen. Brawner na nananatiling determinado ang AFP na gampanan ang kanilang mandato na ipagtanggol ang bansa at mamayan, bukod sa pagiging pwersa ng pagkakaisa.
Sinabi ng Heneral na bilang isang bansang nagkamit ng Kalayaan sa pagsisikap ng ating mga ninuno, paninindigan ng AFP ang kanilang sinumpaang tungkulin sa serbisyo publiko, katapan at pakikiisa sa bayan, mga mamayan at bandila sa paglikha ng isang malakas na Pilipinas.
Inihayag ni Gen. Brawner na “kaakibat ng pag-papanatili ng kapayapaan, kasama ng sambayanang Pilipino ang AFP tungo sa isang progresibo at makabagong bansa!” | ulat ni Leo Sarne