Antas ng tubig sa Angat Dam, bumaba pa sa 176 meters

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pa rin ang pagbaba ng lebel ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-sais ng umaga ay nabawasan pa ng 27 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 176.97 meters.

Nasa dalawang metro ang agwat nito mula sa 178.08 meters na lebel ng dam noong nakaraang linggo.

Nananatiling kapos rin ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.

Bukod sa Angat Dam, bahagya ring nabawasan ang lebel ng tubig sa iba pang dam gaya ng San Roque Dam, Magat Dam, at Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us