Panibagong Legacy Project na naman ang pormal na pinasinayaan ngayong araw.
Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez, kasama sina Appropriations Chair Elizaldy Co, DPWH Sec. Manuel Bonoan at Quezon City vice mayor Gian Sotto ang ground breaking ceremony sa 13 palapag na Hemodialysis Building (HD Building) ng National Kidney and Transplant Institute.
Itatayo ito 2,900 square meter na lote na nabawi ng NKTI mula sa mga illegal business settlers matapos ang apat na dekada.
Mayroon itong 200 state-of-the-art hemodialysis machines para sa mgapasyente mula NCR at kalapit probinsya.
May kapasidad din ang bagong pasilidad na i-accommodate ang mga renal patients na may complex medical conditions at nangangailangan ng emergency care.
Maliban sa pagiging hemodialysis center magsisilbi rin itong training institution para sa mga medical at allied healthcare workers, lalo na para sa mga manggagaling ng probinsya na nais mapahusay pa ang kakayanan sa transplant at dialysis programs.
Ang mga trainee at pasyente na nagpapagamot na mangangailangan ng pansamantalang matutuluyan at magkakaroon din ng accommodation rooms. | ulat ni Kathleen Forbes