Ipinagdiwang ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ang pagdating ng kanilang bagong missile-equipped patrol boat na BRP Laurence Narag (PG-907) sa Ensign Majini Pier sa Bagong Calarian, Zamboanga City.
Sa welcome ceremony noong Martes na pinangunahan ni Deputy Commander for Fleet Operations, Navy Captain Hilarion Cesista, kanyang sinabi na mahalaga ang BRP Laurence Narag para sa pagpapalakas ng maritime security sa Western Mindanao partikular sa external defense operation (EDO), internal defense operation at iba pang maritime operation.
Ang BRP Laurence Narag ay isang Acero-Class Shaldag MK V Fast Attack Interdiction Craft na mayroong non-line of sight (NLOS) missile system.
May haba itong 32-metro na dinisenyo para sa mga high-speed operation at precision strike.
Bago dalhin sa Zamboanga, pormal na kinomisyon ang barko sa Naval Station Jose Andrada sa Maynila kasabay ng kanyang sister ship na BRP Herminigildo Yurong (PG-906), noong Mayo 21. | ulat ni Leo Sarne
📷: NFWM