Pinatawan na ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito ay kasunod na rin ng isinumiteng reklamo laban sa alkalde ng Department of Interior and Local Govt dahil sa pagkakasangkot nito sa ilegal na operasyon ng POGO sa kanilang lugar.
Sa resolusyon ng Ombudsman, maliban kay Guo, pinatawan din ng preventive suspension sina Edwin Ocampo, Business permit and licensing officer at Adenn Sigua, municipal legal officer.
Immediately executory ang desisyong ito ng Ombudsman na isinilbi na rin sa Municipal Administrator ngayong araw.
Una nang sinampahan ng reklamong katiwalian ng DILG ang alkalde noong May 24 dahil sa pagbibigay ng business permit sa Hongsheng Gaming Technology Inc. o ang nadiskubreng POGO hub sa Tarlac. | ulat ni Merry Ann Bastasa