Iniulat ni Phil. Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na dumoble ang bilang ng mga barkong pandigma ng China na namonitor sa West Philippine Sea (WPS).
Sa datos ng Philippine Navy, umaabot na sa 11 barko ng People’s Liberation Army-Navy (PLAN) ang namataan mula May 28 hanggang Hunyo 3 sa loob ng WPS.
Mas mataas ito kumpara sa 5 PLAN warship na namataan mula May 21 hanggang May 27.
Sa 11 barko ng PLAN, 6 ang umaaligid sa Sabina Shoal, 2 sa Ayungin Shoal, 2 sa Pag-asa islands, at 1 naman sa Lawak Island.
Ang 11 barko ng PLAN ay kabilang sa kabuuang 125 barko ng China na namonitor sa WPS, kasama ang 9 na China Coast Guard Vessels, at 105 China Maritime Militia Vessels (CMMVs). | ulat ni Leo Sarne