Inihayag ng mga mambabatas na miyembro ng “Young Guns” ng Kamara ang kanilang suporta sa desisyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibaba sa 15% ang rice import tariff mula sa 35%.
Anila, isa itong istratehikong hakbang para ibsan ang pasanin ng mga Pilipino na iniinda ang mataas na presyo ng bigas.
Ayon kay House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun, ipinapakita nito ang hangarin ng adminsitrasyon na gawing abot kay at accessible sa lahat ng Pilipino ang batayang pangangailangan.
“It is a clear indication of his administration’s focus on making essential commodities affordable and accessible to all Filipinos. This move will help stabilize rice prices and prevent any potential supply issues,” sabi ni Khonghun
Magsisilbi naman itong financial relief sa milyong Filipino household, ayon kay Deputy Majority Leader at PBA Party-list Rep. Margarita “Atty. Migs” Nograles
Para kay Assistant Majority Leader La Union 1st District Rep. Paolo Ortega ang pagbaba sa rice tariff at isang proactive measurena kapwa pakikinabangan ng mga consumer at ng sektor ng agrikultura.
‘By lowering the cost of rice, we are ensuring that every Filipino has access to this staple food at a reasonable price. This is a step in the right direction towards achieving food security,” wika ni Ortega
Sa panig naman ni Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Almario sinabi nito na ipinapakita lamang ng administrasyon ang pagnanais nito na mapagbuti ang pamumuhay ng mga ordinaryong Pilipino.
Napapanahon aniya ang desisyon ng Pangulo para mamagitan at tugunan ang sitwasyon ng bigas sa bansa.
“It reflects his administration’s dedication to improving the lives of ordinary Filipinos. This policy will help mitigate the effects of inflation and ensure that rice remains affordable for everyone,” wika niya.| ulat ni Kathleen Forbes