Nadagdagan pa ang bilang ng mga residente sa isla ng Negros na piniling lumikas at manatili muna sa evacuation centers dahil sa epektong dulot ng pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Office of Civil Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council (OCD-NDRRMC), alas-8 ng umaga ay nasa 4,391 ang bilang ng mga apektado na nananatili sa 8 evacuation center.
Mula sa nasabing bilang, aabot sa 4,131 ang nagmula sa Negros Occidental habang 260 naman ang nagmula sa naman sa Negros Oriental.
Aabot naman sa mahigit 9 na milyong piso ang halaga ng mga tulong na naipaabot sa mahigit 6 na libong pamilya na apektado ng pag-aalburoto ng bulkan. | ulat ni Jaymark Dagala