‘Blue’ Alert status, itinaas ng OCD-NDRRMC sa Negros Occidental kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas na ng Office of Civil Defense (OCD) – National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang “Blue” Alert status sa Negros Occidental kasabay na rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.

Ayon sa OCD, mula pa kagabi ay mahigpit na ang kanilang ugnayan, partikular na sa kanilang regional counterparts sa Western at Central Visayas hinggil sa pinakahuling sitwasyon at response operations.

Tuloy-tuloy anila ang pagpasok sa kanila ng mga ulat hinggil sa aktibidad ng bulkan at ipinakalat na rin ang kanilang mga tauhan lalo na sa mga apektadong lugar para sa gagawing paglilikas.

Bagaman itinuturing na “manageable” ang sitwasyon sa lebel ng Local Disaster Risk Reduction and Management Offices sa nasabing mga rehiyon, naka-Full Alert naman ang national level para magbigay ng kaukulang pag-alalay at tulong.

Kasunod nito, hinikayat naman ng OCD-NDRRMC ang mga apektadong residente na maging mapagmatyag at sundin ang mga babala gayundin ang tagubilin ng mga awtoridad para sa kanilang kaligtasan.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us