Magsasagawa ng dalawang araw na malawakang simultaneous clean-up drive ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City.
Ayon sa Muntinlupa LGU, bahagi ito ng kanilang kampanya laban sa dengue ngayong idineklara na ng PAGASA ang panahon ng tag-ulan.
Layon ng aktibidad na puksain ang mga pinamumugaran ng lamok at maiwasan ang paglaganap ng nakamamatay na sakit na dengue.
Isasagawa ang clean-up drive simula ngayong araw, June 13 hanggang bukas, June 14 sa 10 lugar sa iba’t ibang barangay sa Muntinlupa City.
Bukod dito ay tuloy-tuloy din ang isinasagawang lectures ng Muntinlupa City Health Office sa mga komunidad sa lungsod upang magbigay impormasyon para makaiwas sa dengue. | ulat ni Lorenz Tanjoco