Inilunsad ng Media and Civil Affairs Group, Civil Relations Service (MCAG,CRSAFP) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “Cyber for Peace Initiative” sa pamamagitan ng “gift-giving event” sa Brgy. Talbak, Doña Remedios Trinidad, Bulacan noong Sabado.
Ang aktibidad na dinaluhan ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla ay pinakinabangan ng 350 kindergarten na mag-aaral at 175 magulang.
Ipinamahagi sa mga benepisyaryo ang 50 kahon ng inumin, 650 food packs, 11 complete medicine cabinets at 350 alcohol at sanitizing kits.
Sa tulong ng Communications, Electronics, and Information Systems Service, AFP (CEISSAFP), isang “cyber for peace booth” ang itinayo para magbigay ng technical support sa mga sibilyan.
Ayon kay Padilla, ang aktibidad na sinuportahan ng Department of Education (DepEd) at iba’t ibang paaralan at organisasyon ay matagumpay na nagpalaganap ng “community spirit”, nagkaloob ng batayang serbisyo, at nagpahalaga sa kapayapaan at “cyber-wellness” ng komunidad. | ulat ni Leo Sarne
📷: MCAG, CRSAFP