Nakinabang ang may 200 na mga senior citizen sa ilang barangay sa Las Piñas sa medical mission na pinangunahan ni Deputy Speaker Camille Villar.
Ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa malusog na pamumuhay at mapagbuti ang kabuhayan ng mga nakatatanda ng Las Piñas.
Kabilang sa mga in-avail ng mga senior ay ang free check-ups, consultation, libreng maintenance at gamot.
Nabigyan din ng libreng pagkain ang mga indegent children sa ginawang medical mission.
Ayon kay Villar, mahalagang siguruhing manatiling malusog ang mga lolo at lola at mga nanay at tatay kaya kailangan aniya maging regular ang medical mission.
Kabilang sa adbokasiya ng kongresista na pagkalooban ng assistance ang vulnerable sector upang maitaguyod ang kanilang pamumuhay. | ulat ni Melany Valdoz Reyes