Aabot sa Php7 milyong halaga ng Tissue Culture Laboratory na may Greenhouse Facility ang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform para sa mga magsasaka sa lalawigan ng Iloilo.
Ang pasilidad na matatagpuan sa Sitio Bangkal, Brgy. Guinobatan, New Lucena ay pinondohan sa ilalim ng Sustainable and Resilient (SuRe) ARC Project.
Magbibigay pakinabang ito sa may 318 agrarian reform beneficiaries at makatulong upang mai- angat ang kanilang kabuhayan.
Ayon kay Foreign Assisted and Special Projects Office Undersecretary Jesry Palmares ,sa pamamagitan ng tissue culture laboratory, maaaring makagawa ng iba’t ibang uri ng de-kalidad ng halaman, prutas at mga bunga ang mga magsasaka.
Plano pa ng DAR na palawakin ang mga ito upang mapataas ang produksyon ng mga magsasaka sa nasabing lalawigan. | ulat ni Rey Ferrer
📷 DAR