Kasalukuyang nagsasagawa ng test-run ang Philipppine National Police sa kanilang data system matapos itong i-“shut down”kasunod ng napaulat na tangkang data breach kamakailan.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, sa 15 system ng PNP na apektado, 14 ang operational na, kasama ang Firearms and Explosives Office (FEO).
Sinabi ni Fajardo na test-run muna ang kanilang ginagawa habang nagpapatuloy ang pag-assess ng mga eksperto mula sa Information and Technology Service ng PNP.
Paliwanag ni Fajardo, nagpatupad ang PNP ng two-factor authentication sa lahat ng kanilang data systems, at gumamit ng intrusion detection and prevention systems, data encryption at Firewall, upang hindi mapasok ng hindi awtorisadong tao ang system ng PNP.
Tiniyak naman ni Fajardo na available parin ang mga serbisyo ng mga apektadong systema ng PNP sa kanilang mga regional offices at Camp Crame. | ulat ni Leo Sarne