Digital services ng Quezon City, mas accessible at PWD-friendly

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyan ng Website Accessibility Certification ng Adaptive Technology for Rehabilitation, Integration, and Empowerment of the Visually Impared, Inc. (ATRIEV) ang Quezon City Government website.

Ayon sa LGU, kinilala ng ATRIEV ang QC Government website(https://quezoncity.gov.ph) matapos na makapasa sa web accessibility audit at maabot ang pamantayan sa pagbuo ng de-kalidad, accessible, at user-friendly website.

Naglagay din ng karagdagang accessibility tools ang Quezon City Public Affairs and Information Services Department, na namamahala sa website. Ilan dito ang Color Contrast, Alt text, Text-to-Speech, at Chatbot.

Sa tulong ng mga ito, mas madali na para sa mga website visitor partikular na sa Persons with Disabilities (PWDs), na ma-navigate ang website at ma-access ang mga impormasyon at serbisyo ng lungsod.

Kamakailan lamang ay nagkamit din ng Gold Stevie Award ang Quezon City Government Website bilang Most Innovative Government Website. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us