Itinuro ng Department of Justice si Pastor Apollo Quiboloy bilang responsable sa naging marahas na aksyon ng Philippine National Police sa pag-aresto noong nakaraang araw sa Davao City.
Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, hindi kagustuhan ng PNP na magkaroon ng gulo sa compound ng Kingdom of Jesus Christ.
Kung isinusuko lamang daw ni Quiboloy ang kanyang sarili ay hindi naman hahantong sa anumang gulo ang pag-aresto sa kanya.
Maituturing din daw na legal ang pag-aresto sa Punong Pastor dahil may dalang warrant of arrest ang mga pulis noong sila ay nagtungo sa pinagtataguan ni Quiboloy.
Kaya naman apela ng DOJ, sumuko na ang lider ng Kingdom of Jesus Christ upang maiwasan ang anumang magulo na pag-aresto sa kanya. | ulat ni Michael Rogas