DSWD, kumikilos na kasunod ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa sitwasyon sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Mt. Kanlaon, sa Negros Island kagabi.

Agad na pinulong ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga Regional Director ng kagawaran sa Visayas Region para sa response efforts sa mga residente sa Negros lalo’t itinaas na sa Alert Level 2 ang alerto sa Bulkang Kanlaon.

Pinakilos na rin ang Disaster Response Management Group (DRMG) ng kagawaran maging ang National Resource and Logistics Management para sa ipapamahaging family food packs.

Maging ang pinakabagong Mobile Command Center (MCC) truck ng Field Office 7 – Central Visayas ay nakahanda nang ma-deploy sa Canlaon City, Negros Oriental.

Batay sa tala ng DSWD, mayroon nang nakahandang 7,000 family food packs sa Negros Oriental habang nasa 6,000 naman sa Negros Occidental.

Bukod dito, ihahatid na rin ng DSWD ang nasa 40,000 karagdagang family food packs para sa mga apektadong lalawigan.

Patuloy naman ang koordinasyon ng kagawaran sa mga lokal na pamahalaan para sa agarang paghahatid ng tulong sa mga residente. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us