DSWD, titiyakin ang mabigat na aksyon laban sa barangay official na nangupit sa bigay na tulong pinansyal sa isang benepisyaryo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisiguruhin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mabigat na aksyon laban sa barangay official na nangupit sa bigay na tulong pinansyal sa buntis na benepisyaryo sa Davao, noong Hunyo 6.

Sinabi ni Gatchalian, na kanyang titiyaking mapanagot sa batas ang responsable upang hindi na pamarisan.

Base sa imbestigasyon ng DSWD Field Office 11 (Davao Region), binawasan ng barangay official ng P8,500 ang P10,000 cash aid na tinanggap ni Anne Villarin.

Si Villarin ay benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

Inasistihan na ng DSWD si Villarin upang makapagsampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa barangay official.

Sabi ng kalihim, hindi lamang pag-assist ang gagawin ng ahensya tatayo din bilang co-complainant ang DSWD FO-11.

Babala pa ng kalihim, ang cash grants ng DSWD ay para lamang sa mga benepisyaryo at walang sinuman kahit mga opisyal ng gobyerno ang makikibahagi nito. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us