Ipinag-utos na ni Sugar Regulatory Administrator Luis Azcona ang pagsasagawa ng sampling sa pananim na tubo at mga lupang sakahan sa Negros kasunod ng pagputok ng Mt. Kanlaon.
Ayon kay Azcona, nais nitong matukoy kung may epekto ba sa mga pananim ang volcanic ash na nagmula sa bulkan.
“We gathered reports from the field of the strong sulfur smell coupled with the heavy rains in most areas in Central Negros and we know that this can turn into sulfuric acid which may affect our sugar canes,” ani Azcona.
Kabilang sa ipaprayoridad sa testing ang mga sakahan ng tubo sa La Castellana, Moises Padilla, Pontevedra, at La Carlota City.
Kaugnay nito, iniutos na rin ni Azcona ang paglalabas ng ₱2-million ayuda para sa mga apektadong residente at karagdagan pang kalahating milyon para sa medical missions sa mga tinamaan ng respiratory disease kasunod ng pagsabog ng bulkan. | ulat ni Merry Ann Bastasa