Farmers group sa Sorsogon, binigyan ng PORTASOL dryers ng DOST

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang magpapataas sa produksiyon ng bigas ang mga Portable Solar (PORTASOL) dryer na ipinamahagi sa mga magsasakang benepisyaryo at miyembro ng Agro-Aquatic Development Cooperative sa Sorsogon.

Binigyang diin ng Department of Agrarian Reform (DAR), na magpapataas sa rice production ang walong set ng portable solar dryers na nagkakahalaga ng P292,000.

Ang nasabing kagamitan ay ipinagkaloob ng Department of Science and Technology na inimbento ni Francisco Pagayon, Pangulo ng Filipino Inventors Society Producer Cooperative.

Ang nabanggit na equipment ay binubuo ng magkakapatong na set ng grain thermal drying trays, na magbibigay ng mas malinis at mas matipid sa espasyo.

Idinisenyo ito upang bawasan ang pagkabasa o mas mabilis na matutuyo ang malaking bilang ng ani na may kapasidad na aabot hanggang sa maabot ang 150 kilos ng palay bawat pagpapatuyo.

Ang naturang inisyatiba, ay bahagi ng isang institutional partnership agreement sa pagitan ng DAR at DOST. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us