Tutulungan ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang Food and Drug Administration (FDA) sa pagsusuri sa animal vaccines at biologics.
Ito’y matapos magkasundo ang Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) para magtulungan hinggil dito.
Alinsunod sa kanilang napagkasunduan, ang FDA ang mag-iisyu ng license to operate sa mga manufacturer, traders, distributors at retailers ng veterinary drugs at mga produkto kabilang ang vaccine at biologics.
Mag-iisyu din ang FDA sa BAI ng license to operate para sa manufacturing o importasyon at pag-iisyu ng Certificate of No Objection para sa pag-import ng BAI ng mga vaccine at biologics para sa evaluation at research nito.
Sa panig ng BAI, ito naman ang magsasagawa ng evaluation para matukoy ang kaligtasan at bisa ng parehong local at imported na vaccines at biologics.
Bago nito iindorso ang mga private application sa FDA para sa pagpapalabas ng Certificate of Registration sa local at imported veterinary products at bigyan ang FDA ng evaluation reports.| ulat ni Rey Ferrer