Halos 700 indibidwal, inilikas sa Negros Island kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa halos 700 indibiduwal ang nananatili sa mga evacuation centers sa Negros Oriental at Occidental dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 685 indibidwal ang nananatili ngayon sa evacuation centers sa Negros Oriental at Occidental dahil sa pag-aalburoto ng bulkan.

Nasa 508 indibidwal o katumbas ng 106 families ang kasalukuyang nasa walong evacuation centers sa Bago, La Carlota, La Castellana, Moises Padilla, at Pontevedra sa Negros Occidental.

Samantala, nasa 177 indibidwal o 43 families ang kasalakuyang nasa evacuation center naman sa Canlaon, Negros Oriental.

Naka-Full Alert na ang Office of Civil Defense para magbigay ng kaukulang pag-alalay at tulong sa mga apektado ng pag-aalburoto ng bulkan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us