Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) ang 795 milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa buwan ng Mayo.
Ayon kay PDEG Director Police Brig. Gen. Eleazar Matta, ang nakumpiskang droga ay kinabibilangan ng
5,644 gramo ng shabu, 3,132,300 winasak na tanim ng marijuana, 500 marijuana seedlings, 1,090,000 dahon ng marijuana, at 3,000 gramo ng marijuana seeds.
Resulta aniya ito ng 81 intelligence-driven operations, kung saan 31 ang buy-bust operation, 3 ang pagsisilbi ng search warrant, 23 ang marijuana eradication operations, at 24 ang manhunt operations, mula Mayo 1 hanggang 31.
Sa naturang mga operasyon, 74 na drug personalities ang naaresto, na kinabibilangan ng 47 indibidual na nahuli sa buy-bust operations, 24 na wanted persons na nahuli sa manhunt operations, at 3 suspek na nahuli sa search warrant operations. | ulat ni Leo Sarne