Nag negatibo sa paggamit ng illegal drugs ang mga jail personnel ng Quezon City Jail Male Dormitory sa isinagawang surprised drug test nitong June 24.
Ayon kay City Jail Warden JSupt Warren Geronimo, kabuuang 231 jail personnel ang sumalang sa drug test na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency .
Ang aktibidad na ito ay upang tiyakin ng pamunuan na isang drug free facility ang jail unit.
Bago sinimulan ang surprise drug testing, dumaan muna sa orientation at registration ang mga jail personnel bago ang aktwal na pagkuha ng urine specimens at attendance recording.
Kung magugunita,napanatili ng jail facility ang pagiging “drug cleared” sa nakalipas na ilang taon.
Wala ding mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga ng isailalim sa drug test. | ulat ni Rey Ferrer