Makatatanggap ng Health Maintenance Organization (HMO) card ang bawat pulis sa susunod na buwan.
Sa programa sa Kampo Crame kaugnay ng Pamilya ng Pulis o “PNP Family Day,” sinabi ni Philippine National Police Chief General Rommel Francisco Marbil na ang bawat health card ay naglalaman ng ₱40,000, na magagamit ng mga pulis sa iba’t ibang medikal na serbisyo sa mga accredited na medical facility.
Ayon sa PNP chief, partikular na pakikinabangan ang HMO card ng mga pulis sa lalawigan kung saan walang ospital ang PNP at ang mga “medical facility” ay karaniwang mga pribadong ospital.
Kasabay nito, nangako din si Gen. Marbil na sisikapin niyang mabigyan ng libreng legal assitance ang mga pulis na nahaharap sa “counter charges” sa pagganap ng kanilang tungkulin. | ulat ni Leo Sarne