Binisita ng ilang huwes ng Quezon City Regional Trial Court ang mga Persons Deprive of Liberty sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas, Lungsod Quezon.
Ayon kay QCJMD Jail Warden JSupt. Warren Geronimo, nagbigay ng free legal consultations ang mga huwes sa mga PDL kaugnay sa kanilang kinakaharap na kaso sa korte.
Magkasunod na nag-inspeksyon sa pasilidad sina QC-RTC Branch 308 Judge Kristine Joy Men̈ez-
Macalalad; Branch 220 Presiding Judge Leo Felix Domingo; at Family Court Branch 13 Presiding Judge Lily Padaen.
Ang hakbang na ito ng QCRTC Judges ay bilang pagtalima sa inilabas na OCA Circular No.131-2024 ng Korte Suprema.
Nilalayon din nitong matiyak ang wastong pagsubaybay at pag-uulat ng mga kaso at kundisyon ng mga PDL sa loob ng kanilang hurisdiksyon.
Kabuuang isang daan walumput pitong(187) PDLs ang nag binepisyo sa pagbisita ng mga huwes.
Bago ang pagbisita, may mga nauna nang huwes ang dumalaw sa mga PDL sa nasabing pasilidad. | ulat ni Rey Ferrer