Inaabisuhan ng Manila local government unit (LGU) ang mga motorista na magagawi sa lungsod dahil sa mga isasagawang pagsasara ng ilang kalsada bukas, June 24, Lunes dahil sa pagdiriwang ng ika-453 Araw ng Maynila.
Simula hatinggabi ng June 24, isasara ang tatlong pangunahing kalsada sa trapiko: Onyx Street mula Pedro Gil hanggang Zobel Roxas, Zobel Roxas Street mula Pablo Ocampo hanggang Pasig Line, at ang Florentino Torres Street, kilala rin bilang Dagonoy Street.
Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang makarating sa patutunguhan. Gayundin ang pagpaplano nang maaga upang maiwasan ang pagkaantala. | ulat ni EJ Lazaro