Ilang kalsada sa Pasay, pansamantalang isasara sa mga motorista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay abiso ang Pamahalaang lungsod ng Pasay sa publiko para sa pansamantalang pagsasara sa Harrison St. at Libertad cor. Arnaiz St. patungong Taft Ave. at Roxas Blvd.

Ito ay upang bigyang daan ang pagkumumpuni ng mga nabanggit na kalsada sa lungsod na tinatayang aabutin aniya ng anim na buwan.

Dahil dito pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga naturang daan upang hindi maabala sa kanilang patutunguhan at humanap ng altertibong ruta.

Para sa karagdagang impormasyon makipag-ugnayan sa Pasay Traffic and Parking Management Office o bisitahin ang Facebook page ng Pasay public Information Office. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us