Tiniyak ni Immigration Commissioner Norman Tansingco hindi kukunsintihin ng kanyang ahensya ang anumang illegal work practices na ginagawa ng mga foreign nationals sa bansa,
Dagdag pa ng opisyal na patuloy gagawin ang mga kinakailangang aksyon laban sa mga patuloy na lumalabag sa batas.
Ginawa ni Tansingco ang pahayag matapos makahuli ang mga tauhan nito ng 37 Chinese nationals na sinasabing bahagi ng illegal retail sa Parañaque.
Ayon sa report kay Tansingco ni Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. arestado ang nasabing bilang ng mga chinese nationals sa isang Multinational Village sa Parañaque.
base pa sa report, pito sa mga naareto ay mga babae at tatlumpu ang kalalakihan na pawang sangkot sa ilegal napagpapatakbo ng food retail, groceries, at restaurants sa lugar.
Kasalukuyan nang naka detain ang mga naturang chinese nationals sa BI’s facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig habang naka pending ang resolution ng mga deportation cases na isasampa laban sa mga ito. | ulat ni Lorenz Tanjoco