Itatatag na Luzon Economic Corridor, magdadala ng mas masiglang Labor market sa bansa — DOF Sec. Recto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na mas sisigla pa ang paglikha ng trabaho sa bansa kapag naitatag na ang Luzon Economic Corridor na siyang susuporta sa Philippine job market.

Ito ang pahayag ni Recto kasunod ng inilabas na pinakahuling Labor market survey.

Sinabi ni Recto na bibigyang-daan ng economic corridor ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Aniya, mula 4.5 percent na unemployment rate noong April 2023 ngayon ay nasa 4% na lamang, ibig sabihin  nasa 48.36-million na ang mga Pilipino na may trabaho sa bansa.

Magdudulot ng multiplier effect ang Luzon Economic Corridor, kabilang dito ang opportunidad sa mga key investment hubs gaya ng massive transport projects, manufacturing, at construction sectors.

Ang Luzon Economic Corridor ay ang kauna-unahang Global Infrastructure and investment  Ecnomic Corridor sa Indo-Pacific Region na binuo sa makasaysayang Trilateral United States-Japan-Philippines Leaders Meeting.  | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us