Maagang dinagsa ng mga jobseeker ang ikinasang Kalayaan Job Fair ng Caloocan LGU sa SM City Grand Central sa Caloocan City kasabay ng Araw ng Kalayaan.
Pinangunahan ito ng Department of Labor and Employment-CAMANAVA katuwang ang Caloocan Public Emplyment Office.
Ayon sa DOLE, nasa higit 5,000 na trabaho ang alok sa naturang job fair mula sa 52 local at overseas employers.
Kabilang sa mga employer na mag-aalok dito ng trabaho ay mula sa BPO, wholesale at retail, food industry, at manpower services.
Ang mga available na overseas job naman ay sa Saudi Arabia, Japan, Scotland, UK, at Poland.
Bukod sa mga alok na trabaho, available rin dito ang one-stop shop ng mga serbisyo ng gobyerno kabilang ang PSA, SSS, Pag-Ibig, PhilHealth at BIR.
Tatagal ang job fair hanggang mamayang alas-5 ng hapon. | ulat ni Merry Ann Bastasa