Kasunduan para sa pagsasaayos ng Corcuera Port Development Project, nilagdaan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda sa kasunduan ang Department of Transportation (DOTr) at Lokal na Pamahalaan ng Corcuera, Romblon para sa pagsasaayos at pagpapaunlad ng Corcuera Port.

Layon ng Corcuera Port Development Project na gawing mas ligtas, komportable, at maayos ang pantalan para sa mga pasahero at transportasyon ng mga produkto.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Maritime Elmer Francisco Sarmiento, malaking tulong ang proyektong ito para sa ekonomiya ng lalawigan at mga karatig-probinsiya.

Bukod sa pagpapabilis ng transportasyon ng mga produkto tulad ng mga hayop at kalakal, magiging mas madali na rin ang paglalakbay ng mga residente at turista.

Nagpasalamat naman ang Corcuera, Romblon LGU sa DOTr sa proyektong ito na malaking ginhawa para sa mga residente na nahihirapan sa pagdaong ng mga barko dahil sa hindi maayos na kondisyon ng pantalan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us