Koneksyon ng na-raid na resort sa Clark sa operasyon ng POGO sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga, posible ring imbestigahan ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan na rin ng Senado na maimbestigahan ang limang villas sa Fontana Leisure Parks sa Mabalacat, Pampanga na pinakahuling ni-raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Dito kasi napag-alamang nagpunta at nagtago ang mga tumakas sa Lucky South 99 o ang POGO hub sa Porac, Pampanga.

Natuklasan ding isa sa mga “big bosses” na isang Chinese fugitive na si Huang Zhiyang ay nag-ookupa ng isang villa dito.

Si Huang Zhiyang ay sinasabing kasosyo rin ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Baofu Compound at may mga nakita rin doong dokumento ni Zhang Ruijin, na isa namang convicted sa big money laundering cases sa Singapore at konektado rin kay Guo.

Sinabi ni Senate Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros, posibleng imbestigahan na rin nila ang Fontana bilang bahagi ng pagkumpleto ng imbestigasyon sa mga POGO.

Giit ni Hontiveros, napakalawak na ng mga koneksyon ng POGO sa bansa kung saan malaki ang posibilidad na magkakaugnay at mayroong grupo ng mga kumpanya ang nasa likod nito. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us